Al-Ahzab

سورة الأحزاب

Surah 33 · Madani · 73 mga talata

33:1Juz 21 · p. 418

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ اتَّقِ اللَّهَ وَلَا تُطِعِ الْكَافِرِينَ وَالْمُنَافِقِينَ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمًا1

O Propeta, mangilag kang magkasala kay Allāh at huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.
33:2Juz 21 · p. 418

وَاتَّبِعْ مَا يُوحَىٰ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا2

Sumunod ka sa ikinakasi sa iyo mula sa Panginoon mo. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay laging Nakababatid.
33:3Juz 21 · p. 418

وَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا3

Manalig ka kay Allāh. Nakasapat na si Allāh bilang Pinananaligan.
33:4Juz 21 · p. 418

مَا جَعَلَ اللَّهُ لِرَجُلٍ مِنْ قَلْبَيْنِ فِي جَوْفِهِ ۚ وَمَا جَعَلَ أَزْوَاجَكُمُ اللَّائِي تُظَاهِرُونَ مِنْهُنَّ أُمَّهَاتِكُمْ ۚ وَمَا جَعَلَ أَدْعِيَاءَكُمْ أَبْنَاءَكُمْ ۚ ذَٰلِكُمْ قَوْلُكُمْ بِأَفْوَاهِكُمْ ۖ وَاللَّهُ يَقُولُ الْحَقَّ وَهُوَ يَهْدِي السَّبِيلَ4

Hindi gumawa si Allāh para sa isang lalaki ng dalawang puso sa kaloob-looban nito, hindi Siya gumawa sa mga maybahay ninyo na nagtutulad kayo sa kanila sa likod ng mga ina ninyo, at hindi Siya gumawa sa mga ampon ninyo bilang mga anak ninyo. Iyon ay ang sabi ninyo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo. Si Allāh ay nagsasabi ng katotohanan at Siya ay nagpapatnubay sa landas.
33:5Juz 21 · p. 418

ادْعُوهُمْ لِآبَائِهِمْ هُوَ أَقْسَطُ عِنْدَ اللَّهِ ۚ فَإِنْ لَمْ تَعْلَمُوا آبَاءَهُمْ فَإِخْوَانُكُمْ فِي الدِّينِ وَمَوَالِيكُمْ ۚ وَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ فِيمَا أَخْطَأْتُمْ بِهِ وَلَٰكِنْ مَا تَعَمَّدَتْ قُلُوبُكُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا5

Tumawag kayo sa kanila sa [pangalan ng] mga ama nila; ito ay higit na makatarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam sa mga ama nila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga tinatangkilik ninyo. Walang maisisisi sa inyo sa anumang nagkamali kayo subalit [masisisi kayo] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
33:6Juz 21 · p. 418

النَّبِيُّ أَوْلَىٰ بِالْمُؤْمِنِينَ مِنْ أَنْفُسِهِمْ ۖ وَأَزْوَاجُهُ أُمَّهَاتُهُمْ ۗ وَأُولُو الْأَرْحَامِ بَعْضُهُمْ أَوْلَىٰ بِبَعْضٍ فِي كِتَابِ اللَّهِ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُهَاجِرِينَ إِلَّا أَنْ تَفْعَلُوا إِلَىٰ أَوْلِيَائِكُمْ مَعْرُوفًا ۚ كَانَ ذَٰلِكَ فِي الْكِتَابِ مَسْطُورًا6

Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. Ang mga maybahay niya ay mga ina nila. Ang mga may mga ugnayang pangkaanak, ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba [sa pagmamana] ayon sa Batas ni Allāh kaysa sa mga mananampalataya at mga lumikas, maliban na gumawa kayo sa mga tinangkilik ninyo ng isang nakabubuti. Nangyaring iyon sa Aklat ay nakatitik.
33:7Juz 21 · p. 419

وَإِذْ أَخَذْنَا مِنَ النَّبِيِّينَ مِيثَاقَهُمْ وَمِنْكَ وَمِنْ نُوحٍ وَإِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ ۖ وَأَخَذْنَا مِنْهُمْ مِيثَاقًا غَلِيظًا7

[Banggitin] noong tumanggap Kami mula sa mga propeta ng kasunduan nila, mula sa iyo, at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Hesus na anak ni Maria. Tumanggap Kami mula sa kanila ng kasunduang mariin,
33:8Juz 21 · p. 419

لِيَسْأَلَ الصَّادِقِينَ عَنْ صِدْقِهِمْ ۚ وَأَعَدَّ لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا أَلِيمًا8

upang magtanong Siya sa mga tapat tungkol sa katapatan nila. Naghanda Siya para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang masakit.
33:9Juz 21 · p. 419

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ جَاءَتْكُمْ جُنُودٌ فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِيحًا وَجُنُودًا لَمْ تَرَوْهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرًا9

O mga sumampalataya, umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo noong may dumating sa inyo na mga kawal at nagpadala sa kanila ng isang hangin at mga kawal na hindi ninyo nakita. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
33:10Juz 21 · p. 419

إِذْ جَاءُوكُمْ مِنْ فَوْقِكُمْ وَمِنْ أَسْفَلَ مِنْكُمْ وَإِذْ زَاغَتِ الْأَبْصَارُ وَبَلَغَتِ الْقُلُوبُ الْحَنَاجِرَ وَتَظُنُّونَ بِاللَّهِ الظُّنُونَا10

[Banggitin] noong dumating sila sa inyo mula sa ibabaw ninyo at mula sa ilalim ninyo, at noong lumihis ang mga paningin, umabot ang mga puso sa mga lalamunan, at nagpapalagay kayo kay Allāh ng mga palagay.
33:11Juz 21 · p. 419

هُنَالِكَ ابْتُلِيَ الْمُؤْمِنُونَ وَزُلْزِلُوا زِلْزَالًا شَدِيدًا11

Doon nasubok ang mga mananampalataya at nayanig sila sa isang pagyanig na matindi.
33:12Juz 21 · p. 419

وَإِذْ يَقُولُ الْمُنَافِقُونَ وَالَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ مَا وَعَدَنَا اللَّهُ وَرَسُولُهُ إِلَّا غُرُورًا12

[Banggitin] noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga sa mga puso nila ay may sakit: "Walang ipinangako sa amin si Allāh at ang Sugo Niya malibang isang pagkalinlang."
33:13Juz 21 · p. 419

وَإِذْ قَالَتْ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ يَا أَهْلَ يَثْرِبَ لَا مُقَامَ لَكُمْ فَارْجِعُوا ۚ وَيَسْتَأْذِنُ فَرِيقٌ مِنْهُمُ النَّبِيَّ يَقُولُونَ إِنَّ بُيُوتَنَا عَوْرَةٌ وَمَا هِيَ بِعَوْرَةٍ ۖ إِنْ يُرِيدُونَ إِلَّا فِرَارًا13

[Banggitin] noong may nagsabing isang pangkatin kabilang sa kanila: "O mga mamamayan ng Yathrib, walang panananatilihan para sa inyo kaya manumbalik kayo." May nagpapaalam na isang pangkat kabilang sa kanila sa Propeta, na nagsasabi: "Tunay na ang mga bahay namin ay nakabuyayang," gayong iyon ang mga iyon ay hindi nakabuyayang. Wala silang ninanais kundi isang pagtakas.
33:14Juz 21 · p. 419

وَلَوْ دُخِلَتْ عَلَيْهِمْ مِنْ أَقْطَارِهَا ثُمَّ سُئِلُوا الْفِتْنَةَ لَآتَوْهَا وَمَا تَلَبَّثُوا بِهَا إِلَّا يَسِيرًا14

Kung sakaling may nakapasok sa kanila mula sa mga pook nito at hinilingan sila ng tukso ay talaga sanang gumawa sila nito at hindi sila namalagi rito maliban sa iilan.
33:15Juz 21 · p. 419

وَلَقَدْ كَانُوا عَاهَدُوا اللَّهَ مِنْ قَبْلُ لَا يُوَلُّونَ الْأَدْبَارَ ۚ وَكَانَ عَهْدُ اللَّهِ مَسْئُولًا15

Talaga ngang nangyaring sila ay nakipagtipan kay Allāh bago pa man na hindi sila magbabaling ng mga likod. Laging ang tipan kay Allāh ay tatanungin.
33:16Juz 21 · p. 420

قُلْ لَنْ يَنْفَعَكُمُ الْفِرَارُ إِنْ فَرَرْتُمْ مِنَ الْمَوْتِ أَوِ الْقَتْلِ وَإِذًا لَا تُمَتَّعُونَ إِلَّا قَلِيلًا16

Sabihin mo: "Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagtakas kung tumakas kayo sa kamatayan o pagkapatay, at samakatuwid hindi kayo pagtatamasain malibang kakaunti."
33:17Juz 21 · p. 420

قُلْ مَنْ ذَا الَّذِي يَعْصِمُكُمْ مِنَ اللَّهِ إِنْ أَرَادَ بِكُمْ سُوءًا أَوْ أَرَادَ بِكُمْ رَحْمَةً ۚ وَلَا يَجِدُونَ لَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا17

Sabihin mo: "Sino itong magsasanggalang sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng isang kasagwaan o nagnais Siya sa inyo ng isang awa?" Hindi sila nakatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang tagatangkilik ni isang mapag-adya.
33:18Juz 21 · p. 420

۞ قَدْ يَعْلَمُ اللَّهُ الْمُعَوِّقِينَ مِنْكُمْ وَالْقَائِلِينَ لِإِخْوَانِهِمْ هَلُمَّ إِلَيْنَا ۖ وَلَا يَأْتُونَ الْبَأْسَ إِلَّا قَلِيلًا18

Nakaaalam nga si Allāh sa mga tagasagabal kabilang sa inyo at mga tagasabi sa mga kapatid nila: "Pumarito kayo sa amin," gayong hindi sila pumupunta sa labanan maliban sa kakaunti.
33:19Juz 21 · p. 420

أَشِحَّةً عَلَيْكُمْ ۖ فَإِذَا جَاءَ الْخَوْفُ رَأَيْتَهُمْ يَنْظُرُونَ إِلَيْكَ تَدُورُ أَعْيُنُهُمْ كَالَّذِي يُغْشَىٰ عَلَيْهِ مِنَ الْمَوْتِ ۖ فَإِذَا ذَهَبَ الْخَوْفُ سَلَقُوكُمْ بِأَلْسِنَةٍ حِدَادٍ أَشِحَّةً عَلَى الْخَيْرِ ۚ أُولَٰئِكَ لَمْ يُؤْمِنُوا فَأَحْبَطَ اللَّهُ أَعْمَالَهُمْ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا19

Mga sakim sa inyo kaya kapag dumating ang pangamba, makakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo, na umiikot ang mga mata nila gaya ng binabalot ng kamatayan; ngunit kapag umalis ang takot ay humahagupit sila sa inyo ng mga dilang matatalas dahil mga sakim sa kabutihan. Ang mga iyon ay hindi sumampalataya kaya nagpawalang-kabuluhan si Allāh sa mga gawa nila. Laging iyon kay Allāh ay madali.
33:20Juz 21 · p. 420

يَحْسَبُونَ الْأَحْزَابَ لَمْ يَذْهَبُوا ۖ وَإِنْ يَأْتِ الْأَحْزَابُ يَوَدُّوا لَوْ أَنَّهُمْ بَادُونَ فِي الْأَعْرَابِ يَسْأَلُونَ عَنْ أَنْبَائِكُمْ ۖ وَلَوْ كَانُوا فِيكُمْ مَا قَاتَلُوا إِلَّا قَلِيلًا20

Nag-aakala silang ang mga lapian ay hindi umalis. Kung pupunta ang mga lapian ay pakaiibigin nilang sana sila ay mga nakalabas sa ilang na nasa mga Arabeng disyerto, na nagtatanong tungkol sa mga balita sa inyo. Kung sakaling nangyaring sila ay nasa inyo, hindi sila makikipaglaban maliban sa kakaunti.
33:21Juz 21 · p. 420

لَقَدْ كَانَ لَكُمْ فِي رَسُولِ اللَّهِ أُسْوَةٌ حَسَنَةٌ لِمَنْ كَانَ يَرْجُو اللَّهَ وَالْيَوْمَ الْآخِرَ وَذَكَرَ اللَّهَ كَثِيرًا21

Talaga ngang nagkaroon kayo sa Sugo ni Allāh ng isang huwarang maganda para sa sinumang nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas.
33:22Juz 21 · p. 420

وَلَمَّا رَأَى الْمُؤْمِنُونَ الْأَحْزَابَ قَالُوا هَٰذَا مَا وَعَدَنَا اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَصَدَقَ اللَّهُ وَرَسُولُهُ ۚ وَمَا زَادَهُمْ إِلَّا إِيمَانًا وَتَسْلِيمًا22

Noong nakita ng mga mananampalataya ang mga lapian ay nagsabi sila: "Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya at nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya." Walang naidagdag sa kanila ito kundi pananampalataya at pagsuko.
33:23Juz 21 · p. 421

مِنَ الْمُؤْمِنِينَ رِجَالٌ صَدَقُوا مَا عَاهَدُوا اللَّهَ عَلَيْهِ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ قَضَىٰ نَحْبَهُ وَمِنْهُمْ مَنْ يَنْتَظِرُ ۖ وَمَا بَدَّلُوا تَبْدِيلًا23

Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat sa ipinangako nila kay Allāh sapagkat mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi sila nagpalit [sa pangako] ng isang pagpapalit,
33:24Juz 21 · p. 421

لِيَجْزِيَ اللَّهُ الصَّادِقِينَ بِصِدْقِهِمْ وَيُعَذِّبَ الْمُنَافِقِينَ إِنْ شَاءَ أَوْ يَتُوبَ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا24

upang gantihan ni Allāh ang mga tapat dahil sa katapatan nila at pagdusahin Niya ang mga mapagpaimbabaw kung niloob Niya o tanggapin Niya sa kanila ang pagbabalik-loob. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
33:25Juz 21 · p. 421

وَرَدَّ اللَّهُ الَّذِينَ كَفَرُوا بِغَيْظِهِمْ لَمْ يَنَالُوا خَيْرًا ۚ وَكَفَى اللَّهُ الْمُؤْمِنِينَ الْقِتَالَ ۚ وَكَانَ اللَّهُ قَوِيًّا عَزِيزًا25

Nagpaurong si Allāh sa mga tumangging sumampalataya sa ngitngit nila nang hindi nagtamo ng isang kabutihan. Nakasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Laging si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.
33:26Juz 21 · p. 421

وَأَنْزَلَ الَّذِينَ ظَاهَرُوهُمْ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ مِنْ صَيَاصِيهِمْ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ الرُّعْبَ فَرِيقًا تَقْتُلُونَ وَتَأْسِرُونَ فَرِيقًا26

Nagpababa Siya sa mga nagtaguyod sa kanila kabilang sa mga May Kasulatan mula sa mga balwarte ng mga iyon at bumato Siya sa mga puso ng mga iyon ng hilakbot kaya may isang pangkat na pinapatay ninyo at may isang pangkat na binibihag ninyo.
33:27Juz 21 · p. 421

وَأَوْرَثَكُمْ أَرْضَهُمْ وَدِيَارَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ وَأَرْضًا لَمْ تَطَئُوهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرًا27

Nagpamana Siya sa inyo ng lupain nila, mga tahanan nila, mga ari-arian nila, at isang lupaing hindi ninyo naapakan. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
33:28Juz 21 · p. 421

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِأَزْوَاجِكَ إِنْ كُنْتُنَّ تُرِدْنَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا وَزِينَتَهَا فَتَعَالَيْنَ أُمَتِّعْكُنَّ وَأُسَرِّحْكُنَّ سَرَاحًا جَمِيلًا28

O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo: "Kung kayo ay nagnanais ng buhay na pangmundo at ng gayak nito, halikayo, magpapatamasa ako sa inyo at magpapalaya ako sa inyo ng pagpapalayang maganda.
33:29Juz 21 · p. 421

وَإِنْ كُنْتُنَّ تُرِدْنَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَالدَّارَ الْآخِرَةَ فَإِنَّ اللَّهَ أَعَدَّ لِلْمُحْسِنَاتِ مِنْكُنَّ أَجْرًا عَظِيمًا29

Kung kayo ay nagnanais kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa tahanang pangkabilang-buhay, tunay na si Allāh ay naghanda para sa mga tagagawa ng maganda kabilang sa inyo ng isang pabuyang sukdulan."
33:30Juz 21 · p. 421

يَا نِسَاءَ النَّبِيِّ مَنْ يَأْتِ مِنْكُنَّ بِفَاحِشَةٍ مُبَيِّنَةٍ يُضَاعَفْ لَهَا الْعَذَابُ ضِعْفَيْنِ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا30

O mga asawa ng Propeta, ang sinumang gagawa kabilang sa inyo ng isang mahalay na malinaw ay pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa nang dalawang ulit. Laging iyon kay Allāh ay madali.
33:31Juz 22 · p. 422

۞ وَمَنْ يَقْنُتْ مِنْكُنَّ لِلَّهِ وَرَسُولِهِ وَتَعْمَلْ صَالِحًا نُؤْتِهَا أَجْرَهَا مَرَّتَيْنِ وَأَعْتَدْنَا لَهَا رِزْقًا كَرِيمًا31

Ang sinumang magpapakatalima kabilang sa inyo kay Allāh at sa Sugo Niya at gagawa ng maayos ay magbibigay Kami sa kanya ng pabuya niya ng dalawang ulit. Naglaan Kami para sa kanya ng isang panustos na marangal.
33:32Juz 22 · p. 422

يَا نِسَاءَ النَّبِيِّ لَسْتُنَّ كَأَحَدٍ مِنَ النِّسَاءِ ۚ إِنِ اتَّقَيْتُنَّ فَلَا تَخْضَعْنَ بِالْقَوْلِ فَيَطْمَعَ الَّذِي فِي قَلْبِهِ مَرَضٌ وَقُلْنَ قَوْلًا مَعْرُوفًا32

O mga asawa ng Propeta, hindi kayo gaya ng isa sa mga babae. Kung nangilag kayong magkasala ay huwag kayong magmalamyos sa pagsabi sapagkat baka magmithi ang sa puso niya, ay may karamdaman. Magsabi kayo ng isang pananalitang nakabubuti.
33:33Juz 22 · p. 422

وَقَرْنَ فِي بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجْنَ تَبَرُّجَ الْجَاهِلِيَّةِ الْأُولَىٰ ۖ وَأَقِمْنَ الصَّلَاةَ وَآتِينَ الزَّكَاةَ وَأَطِعْنَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ إِنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ لِيُذْهِبَ عَنْكُمُ الرِّجْسَ أَهْلَ الْبَيْتِ وَيُطَهِّرَكُمْ تَطْهِيرًا33

Manatili kayo sa mga bahay ninyo at huwag kayong magtanghal ng pagtatanghal ng unang Panahon ng Kamangmangan. Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng Zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Nagnanais lamang si Allāh na mag-alis sa inyo ng karumihan, O mga tao ng bahay, at magdalisay sa inyo nang isang pagdadalisay.
33:34Juz 22 · p. 422

وَاذْكُرْنَ مَا يُتْلَىٰ فِي بُيُوتِكُنَّ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ وَالْحِكْمَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ لَطِيفًا خَبِيرًا34

At tandaan ninyo [mga maybahay ng Sugo] ang binibigkas sa mga bahay ninyo na mga tanda ni Allāh at karunungan. Tunay na si Allāh ay laging Mabait, Nakababatid.
33:35Juz 22 · p. 422

إِنَّ الْمُسْلِمِينَ وَالْمُسْلِمَاتِ وَالْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ وَالْقَانِتِينَ وَالْقَانِتَاتِ وَالصَّادِقِينَ وَالصَّادِقَاتِ وَالصَّابِرِينَ وَالصَّابِرَاتِ وَالْخَاشِعِينَ وَالْخَاشِعَاتِ وَالْمُتَصَدِّقِينَ وَالْمُتَصَدِّقَاتِ وَالصَّائِمِينَ وَالصَّائِمَاتِ وَالْحَافِظِينَ فُرُوجَهُمْ وَالْحَافِظَاتِ وَالذَّاكِرِينَ اللَّهَ كَثِيرًا وَالذَّاكِرَاتِ أَعَدَّ اللَّهُ لَهُمْ مَغْفِرَةً وَأَجْرًا عَظِيمًا35

Tunay na ang mga lalaking Muslim at ang mga babaing Muslim, ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya, ang mga lalaking masunurin at ang mga babaing masunurin, ang mga lalaking tapat at ang mga babaing tapat, ang mga lalaking nagtitiis at ang mga babaing nagtitiis, ang mga lalaking nagpapakumbaba at ang mga babaing nagpapakumbaba, ang mga lalaking nagkakawanggawa at ang mga babaing nagkakawanggawa, ang mga lalaking nag-aayuno at ang mga babaing nag-aayuno, ang mga lalaking nag-iingat sa mga ari nila at ang mga babaing nag-iingat sa mga ari nila, at ang mga lalaking nag-aalaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing nag-aalaala ay naghanda si Allāh para sa kanila ng kapatawaran at pabuyang sukdulan.
33:36Juz 22 · p. 423

وَمَا كَانَ لِمُؤْمِنٍ وَلَا مُؤْمِنَةٍ إِذَا قَضَى اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَمْرًا أَنْ يَكُونَ لَهُمُ الْخِيَرَةُ مِنْ أَمْرِهِمْ ۗ وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا مُبِينًا36

Hindi nangyaring ukol sa lalaking mananampalataya ni sa babaing mananampalataya, kapag humusga si Allāh at ang Sugo Niya ng isang bagay, na magkaroon sila ng mapagpipilian sa nauukol nila. Ang sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay naligaw nga nang pagkaligaw na malinaw.
33:37Juz 22 · p. 423

وَإِذْ تَقُولُ لِلَّذِي أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِ وَأَنْعَمْتَ عَلَيْهِ أَمْسِكْ عَلَيْكَ زَوْجَكَ وَاتَّقِ اللَّهَ وَتُخْفِي فِي نَفْسِكَ مَا اللَّهُ مُبْدِيهِ وَتَخْشَى النَّاسَ وَاللَّهُ أَحَقُّ أَنْ تَخْشَاهُ ۖ فَلَمَّا قَضَىٰ زَيْدٌ مِنْهَا وَطَرًا زَوَّجْنَاكَهَا لِكَيْ لَا يَكُونَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ حَرَجٌ فِي أَزْوَاجِ أَدْعِيَائِهِمْ إِذَا قَضَوْا مِنْهُنَّ وَطَرًا ۚ وَكَانَ أَمْرُ اللَّهِ مَفْعُولًا37

[Banggitin] noong nagsasabi ka sa biniyayaan ni Allāh at biniyayaan mo: "Panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo at mangilag kang magkasala kay Allāh," samantalang nagkukubli ka sa sarili mo ng bagay na si Allāh ay maglalantad nito at natatakot ka sa mga tao gayong si Allāh ay higit na karapat-dapat na matakot ka sa Kanya. Kaya noong nakatapos si Zayd mula sa kanya ng isang pangangailangan, ipinakasal Namin siya sa iyo upang hindi magkaroon para sa mga mananampalataya ng isang pagkaasiwa sa mga maybahay ng mga ampon nila kapag nakatapos ang mga ito mula sa kanila ng isang pangangailangan. Laging ang utos ni Allāh ay ginagawa.
33:38Juz 22 · p. 423

مَا كَانَ عَلَى النَّبِيِّ مِنْ حَرَجٍ فِيمَا فَرَضَ اللَّهُ لَهُ ۖ سُنَّةَ اللَّهِ فِي الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلُ ۚ وَكَانَ أَمْرُ اللَّهِ قَدَرًا مَقْدُورًا38

Hindi nangyaring sa Propeta ay may anumang pagkaasiwa sa anumang isinatungkulin ni Allāh sa kanya bilang kalakaran ni Allāh sa mga nakalipas noon pa. Ang kautusan ni Allāh ay isang pagtatakdang itinakda.
33:39Juz 22 · p. 423

الَّذِينَ يُبَلِّغُونَ رِسَالَاتِ اللَّهِ وَيَخْشَوْنَهُ وَلَا يَخْشَوْنَ أَحَدًا إِلَّا اللَّهَ ۗ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ حَسِيبًا39

[Itong mga propeta ay] ang mga nagpapaabot ng mga pasugo ni Allāh at natatakot sa Kanya at hindi natatakot sa isa man maliban kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang isang Mapagtuos.
33:40Juz 22 · p. 423

مَا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَا أَحَدٍ مِنْ رِجَالِكُمْ وَلَٰكِنْ رَسُولَ اللَّهِ وَخَاتَمَ النَّبِيِّينَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا40

Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
33:41Juz 22 · p. 423

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اذْكُرُوا اللَّهَ ذِكْرًا كَثِيرًا41

O mga sumampalataya, mag-alaala kayo kay Allāh nang pag-aalaalang madalas.
33:42Juz 22 · p. 423

وَسَبِّحُوهُ بُكْرَةً وَأَصِيلًا42

Magluwalhati Kayo sa Kanya sa umaga at gabi.
33:43Juz 22 · p. 423

هُوَ الَّذِي يُصَلِّي عَلَيْكُمْ وَمَلَائِكَتُهُ لِيُخْرِجَكُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۚ وَكَانَ بِالْمُؤْمِنِينَ رَحِيمًا43

Siya ay ang nagpapala sa inyo, at ang mga anghel Niya, upang magpalabas sa inyo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain.
33:44Juz 22 · p. 424

تَحِيَّتُهُمْ يَوْمَ يَلْقَوْنَهُ سَلَامٌ ۚ وَأَعَدَّ لَهُمْ أَجْرًا كَرِيمًا44

Ang pagbati nila sa Araw na makikipagkita sila sa Kanya ay kapayapaan. Naghanda Siya para sa kanila ng isang pabuyang marangal.
33:45Juz 22 · p. 424

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِنَّا أَرْسَلْنَاكَ شَاهِدًا وَمُبَشِّرًا وَنَذِيرًا45

O Propeta, tunay na Kami ay nagsugo sa iyo bilang tagasaksi, na tagapagbalita ng nakagagalak, na tagapagbabala,
33:46Juz 22 · p. 424

وَدَاعِيًا إِلَى اللَّهِ بِإِذْنِهِ وَسِرَاجًا مُنِيرًا46

na tagaanyaya tungo kay Allāh ayon sa pahintulot Niya, at bilang sulo na nagbibigay-liwanag.
33:47Juz 22 · p. 424

وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ بِأَنَّ لَهُمْ مِنَ اللَّهِ فَضْلًا كَبِيرًا47

Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya hinggil sa pagkakaroon nila mula kay Allāh ng isang kabutihang-loob na malaki.
33:48Juz 22 · p. 424

وَلَا تُطِعِ الْكَافِرِينَ وَالْمُنَافِقِينَ وَدَعْ أَذَاهُمْ وَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا48

Huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, magwaksi ka ng pananakit sa kanila, at manalig ka kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang isang Pinananaligan.
33:49Juz 22 · p. 424

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نَكَحْتُمُ الْمُؤْمِنَاتِ ثُمَّ طَلَّقْتُمُوهُنَّ مِنْ قَبْلِ أَنْ تَمَسُّوهُنَّ فَمَا لَكُمْ عَلَيْهِنَّ مِنْ عِدَّةٍ تَعْتَدُّونَهَا ۖ فَمَتِّعُوهُنَّ وَسَرِّحُوهُنَّ سَرَاحًا جَمِيلًا49

O mga sumampalataya, kapag nag-asawa kayo ng mga babaing mananampalataya, pagkatapos ay diniborsiyo ninyo sila mula ng bago ninyo sila nasaling, walang ukol sa inyong tungkulin sa kanila na isang panahon ng paghihintay na bibilangin ninyo. Kaya pagtamasahin ninyo sila at palayain ninyo ayon sa isang pagpapalayang maganda.
33:50Juz 22 · p. 424

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِنَّا أَحْلَلْنَا لَكَ أَزْوَاجَكَ اللَّاتِي آتَيْتَ أُجُورَهُنَّ وَمَا مَلَكَتْ يَمِينُكَ مِمَّا أَفَاءَ اللَّهُ عَلَيْكَ وَبَنَاتِ عَمِّكَ وَبَنَاتِ عَمَّاتِكَ وَبَنَاتِ خَالِكَ وَبَنَاتِ خَالَاتِكَ اللَّاتِي هَاجَرْنَ مَعَكَ وَامْرَأَةً مُؤْمِنَةً إِنْ وَهَبَتْ نَفْسَهَا لِلنَّبِيِّ إِنْ أَرَادَ النَّبِيُّ أَنْ يَسْتَنْكِحَهَا خَالِصَةً لَكَ مِنْ دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۗ قَدْ عَلِمْنَا مَا فَرَضْنَا عَلَيْهِمْ فِي أَزْوَاجِهِمْ وَمَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُمْ لِكَيْلَا يَكُونَ عَلَيْكَ حَرَجٌ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا50

O Propeta, tunay na Kami ay nagpahintulot para sa iyo sa mga maybahay mong nagbigay ka ng mga pabuya nila, sa anumang minay-ari ng kanang kamay mo kabilang sa ibinalik ni Allāh sa iyo, sa mga babaing anak ng [mga] tiyuhin mo sa ama, sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ama, sa mga babaing anak ng [mga] tiyuhin mo sa ina, at sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ina, na lumikas kasama sa iyo, at sa isang babaing mananampalataya kung nagkaloob ito ng sarili nito sa Propeta kung nagnais naman ang Propeta na mapangasawa ito, bilang natatangi sa iyo bukod pa sa mga mananampalataya. Nakaalam nga Kami sa isinatungkulin Namin sa kanila kaugnay sa mga maybahay nila at minay-ari ng kanang kamay nila upang hindi magkaroon sa iyo ng isang pagkaasiwa. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
33:51Juz 22 · p. 425

۞ تُرْجِي مَنْ تَشَاءُ مِنْهُنَّ وَتُؤْوِي إِلَيْكَ مَنْ تَشَاءُ ۖ وَمَنِ ابْتَغَيْتَ مِمَّنْ عَزَلْتَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكَ ۚ ذَٰلِكَ أَدْنَىٰ أَنْ تَقَرَّ أَعْيُنُهُنَّ وَلَا يَحْزَنَّ وَيَرْضَيْنَ بِمَا آتَيْتَهُنَّ كُلُّهُنَّ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا فِي قُلُوبِكُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَلِيمًا51

Makapagpapaliban ka ng sinumang niloloob mo kabilang sa kanila at makapagpapasiping ka sa iyo ng sinumang niloloob mo. Ang sinumang hinangad mo mula sa [pansamantalang] hiniwalayan mo ay walang maisisisi sa iyon [na bumalik sa kanya]. Iyon ay higit na angkop na masiyahan ang mga mata nila, hindi sila malungkot, at malugod sila sa ibinigay mo sa kanila – lahat sila. Si Allāh ay nakaaalam sa nasa mga puso ninyo. Laging si Allāh ay Maalam, Matimpiin.
33:52Juz 22 · p. 425

لَا يَحِلُّ لَكَ النِّسَاءُ مِنْ بَعْدُ وَلَا أَنْ تَبَدَّلَ بِهِنَّ مِنْ أَزْوَاجٍ وَلَوْ أَعْجَبَكَ حُسْنُهُنَّ إِلَّا مَا مَلَكَتْ يَمِينُكَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ رَقِيبًا52

Hindi ipinahihintulot para sa iyo ang mga babae mula ng matapos [nito] at hindi [ukol] na magpalit ka sa kanila ng mga [ibang] asawa, kahit pa nagpahanga sa iyo ang kagandahan nila maliban sa minay-ari ng kanang kamay mo. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Mapagmasid.
33:53Juz 22 · p. 425

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَدْخُلُوا بُيُوتَ النَّبِيِّ إِلَّا أَنْ يُؤْذَنَ لَكُمْ إِلَىٰ طَعَامٍ غَيْرَ نَاظِرِينَ إِنَاهُ وَلَٰكِنْ إِذَا دُعِيتُمْ فَادْخُلُوا فَإِذَا طَعِمْتُمْ فَانْتَشِرُوا وَلَا مُسْتَأْنِسِينَ لِحَدِيثٍ ۚ إِنَّ ذَٰلِكُمْ كَانَ يُؤْذِي النَّبِيَّ فَيَسْتَحْيِي مِنْكُمْ ۖ وَاللَّهُ لَا يَسْتَحْيِي مِنَ الْحَقِّ ۚ وَإِذَا سَأَلْتُمُوهُنَّ مَتَاعًا فَاسْأَلُوهُنَّ مِنْ وَرَاءِ حِجَابٍ ۚ ذَٰلِكُمْ أَطْهَرُ لِقُلُوبِكُمْ وَقُلُوبِهِنَّ ۚ وَمَا كَانَ لَكُمْ أَنْ تُؤْذُوا رَسُولَ اللَّهِ وَلَا أَنْ تَنْكِحُوا أَزْوَاجَهُ مِنْ بَعْدِهِ أَبَدًا ۚ إِنَّ ذَٰلِكُمْ كَانَ عِنْدَ اللَّهِ عَظِيمًا53

O mga sumampalataya, huwag kayong pumasok sa mga bahay ng Propeta malibang magpahintulot siya sa inyo sa pagkain na hindi mga naghihintay sa pagkaluto nito. Subalit kapag inanyayahan kayo ay pumasok kayo; at kapag nakakain na kayo ay maghiwa-hiwalay kayo nang hindi mga naghahalubilo para sa isang pag-uusap. Tunay na iyon ay nakasasakit noon sa Propeta ngunit nahihiya siya sa inyo, samantalang si Allāh ay hindi nahihiya sa katotohanan. Kapag humiling kayo sa kanila [na mga maybahay niya] ng isang kailangan ay humiling kayo sa kanila mula sa likuran ng isang tabing. Iyon ay higit na dalisay para sa mga puso ninyo at mga puso nila. Hindi naging ukol sa inyo na manakit kayo sa Sugo ni Allāh ni mag-asawa kayo ng mga maybahay niya mula nang wala na siya magpakailanman. Tunay na iyon laging sa ganang kay Allāh ay sukdulan.
33:54Juz 22 · p. 425

إِنْ تُبْدُوا شَيْئًا أَوْ تُخْفُوهُ فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا54

Kung maglalahad kayo ng isang bagay o magtatago kayo nito, tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam.
33:55Juz 22 · p. 426

لَا جُنَاحَ عَلَيْهِنَّ فِي آبَائِهِنَّ وَلَا أَبْنَائِهِنَّ وَلَا إِخْوَانِهِنَّ وَلَا أَبْنَاءِ إِخْوَانِهِنَّ وَلَا أَبْنَاءِ أَخَوَاتِهِنَّ وَلَا نِسَائِهِنَّ وَلَا مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُنَّ ۗ وَاتَّقِينَ اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدًا55

Walang maisisisi sa kanila kaugnay sa mga ama nila, ni mga lalaking anak nila, ni mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, ni mga [kapwa] babae nila, ni mga babaing minay-ari ng mga kanang kamay nila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Saksi.

إِنَّ اللَّهَ وَمَلَائِكَتَهُ يُصَلُّونَ عَلَى النَّبِيِّ ۚ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا صَلُّوا عَلَيْهِ وَسَلِّمُوا تَسْلِيمًا56

Tunay na si Allāh at ang mga anghel Niya ay nagpapala sa Propeta. O mga sumampalataya dumalangin kayo ng pagpapala sa kanya at bumati kayo sa kanya ng isang pangangalaga.
33:57Juz 22 · p. 426

إِنَّ الَّذِينَ يُؤْذُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ لَعَنَهُمُ اللَّهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَأَعَدَّ لَهُمْ عَذَابًا مُهِينًا57

Tunay na ang mga nananakit kay Allāh at sa Sugo Niya ay isinumpa sila ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang manghahamak.
33:58Juz 22 · p. 426

وَالَّذِينَ يُؤْذُونَ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ بِغَيْرِ مَا اكْتَسَبُوا فَقَدِ احْتَمَلُوا بُهْتَانًا وَإِثْمًا مُبِينًا58

Ang mga nananakit sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya dahil sa iba pa sa nakamit ng mga ito ay nagpasan nga sila ng isang paninirang-puri at isang kasalanang malinaw.
33:59Juz 22 · p. 426

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِأَزْوَاجِكَ وَبَنَاتِكَ وَنِسَاءِ الْمُؤْمِنِينَ يُدْنِينَ عَلَيْهِنَّ مِنْ جَلَابِيبِهِنَّ ۚ ذَٰلِكَ أَدْنَىٰ أَنْ يُعْرَفْنَ فَلَا يُؤْذَيْنَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا59

O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaing anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglagay sila sa ibabaw nila ng bahagi ng mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila para hindi sila pinsalain. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
33:60Juz 22 · p. 426

۞ لَئِنْ لَمْ يَنْتَهِ الْمُنَافِقُونَ وَالَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ وَالْمُرْجِفُونَ فِي الْمَدِينَةِ لَنُغْرِيَنَّكَ بِهِمْ ثُمَّ لَا يُجَاوِرُونَكَ فِيهَا إِلَّا قَلِيلًا60

Talagang kung hindi tumigil ang mga mapagpaimbabaw, at ang mga sa mga puso nila ay may karamdaman, at ang mga tagapagkalat ng sabi-sabi sa Madīnah ay talagang mag-uudyok nga Kami sa iyo laban sa kanila, pagkatapos ay hindi sila makikipagkapit-bahay sa iyo roon maliban sa kakaunti.
33:61Juz 22 · p. 426

مَلْعُونِينَ ۖ أَيْنَمَا ثُقِفُوا أُخِذُوا وَقُتِّلُوا تَقْتِيلًا61

Mga isinumpa saan man sila nasumpungan, dadaklutin sila at pagpapatayin sila ng isang pagpapatay.
33:62Juz 22 · p. 426

سُنَّةَ اللَّهِ فِي الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلُ ۖ وَلَنْ تَجِدَ لِسُنَّةِ اللَّهِ تَبْدِيلًا62

[Ito ay] bilang kalakaran ni Allāh sa mga yumao mula noon pa at hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit.
33:63Juz 22 · p. 427

يَسْأَلُكَ النَّاسُ عَنِ السَّاعَةِ ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِنْدَ اللَّهِ ۚ وَمَا يُدْرِيكَ لَعَلَّ السَّاعَةَ تَكُونُ قَرِيبًا63

Nagtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Huling Sandali. Sabihin mo: "Tanging ang kaalaman doon ay nasa ganang kay Allāh." Ano ang magpapabatid sa iyo na harinawa ang Huling Sandali ay nagiging malapit na?
33:64Juz 22 · p. 427

إِنَّ اللَّهَ لَعَنَ الْكَافِرِينَ وَأَعَدَّ لَهُمْ سَعِيرًا64

Tunay na si Allāh ay isinumpa ang mga tagatangging sumasampalataya at naghanda para sa kanila ng isang Liyab.
33:65Juz 22 · p. 427

خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ لَا يَجِدُونَ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا65

Bilang mga mananatili roon magpakailanman, hindi sila makatatagpo ng isang tagapagtangkilik ni isang tagapag-adya.
33:66Juz 22 · p. 427

يَوْمَ تُقَلَّبُ وُجُوهُهُمْ فِي النَّارِ يَقُولُونَ يَا لَيْتَنَا أَطَعْنَا اللَّهَ وَأَطَعْنَا الرَّسُولَا66

Sa Araw na itataob ang mga mukha nila sa apoy ay magsasabi sila: "O kung sana kami ay tumalima kay Allāh at tumalima sa Sugo."
33:67Juz 22 · p. 427

وَقَالُوا رَبَّنَا إِنَّا أَطَعْنَا سَادَتَنَا وَكُبَرَاءَنَا فَأَضَلُّونَا السَّبِيلَا67

Magsasabi sila: "O Panginoon namin, tunay na kami ay tumalima sa mga pinapanginoon namin at mga malaking tao sa amin ngunit nagpaligaw sila sa amin ng landas.
33:68Juz 22 · p. 427

رَبَّنَا آتِهِمْ ضِعْفَيْنِ مِنَ الْعَذَابِ وَالْعَنْهُمْ لَعْنًا كَبِيرًا68

O Panginoon namin, magbigay Ka sa kanila ng dalawang ibayo mula sa pagdurusa at sumumpa Ka sa kanila ng isang sumpang malaki."
33:69Juz 22 · p. 427

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ آذَوْا مُوسَىٰ فَبَرَّأَهُ اللَّهُ مِمَّا قَالُوا ۚ وَكَانَ عِنْدَ اللَّهِ وَجِيهًا69

O mga sumampalataya, huwag kayong maging gaya ng mga nananakit kay Moises, ngunit nagpawalang-kapintasan sa kanya si Allāh laban sa sinabi nila. Siya noon sa ganang kay Allāh ay pinarangalan.
33:70Juz 22 · p. 427

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَقُولُوا قَوْلًا سَدِيدًا70

O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at magsabi kayo ng isang sinasabing tama,
33:71Juz 22 · p. 427

يُصْلِحْ لَكُمْ أَعْمَالَكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ ۗ وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ فَازَ فَوْزًا عَظِيمًا71

magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo at magpapatatawad Siya para sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtamo nga siya ng isang pagkatamong sukdulan.
33:72Juz 22 · p. 427

إِنَّا عَرَضْنَا الْأَمَانَةَ عَلَى السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَالْجِبَالِ فَأَبَيْنَ أَنْ يَحْمِلْنَهَا وَأَشْفَقْنَ مِنْهَا وَحَمَلَهَا الْإِنْسَانُ ۖ إِنَّهُ كَانَ ظَلُومًا جَهُولًا72

Tunay na Kami ay nag-alok ng tiwala sa mga langit, lupa, at mga bundok, ngunit tumanggi ang mga ito na pumasan nito at nahintakutan dito, at pumasan naman nito ang tao; tunay na siya ay naging napakamapaglabag sa katarungan, napakamangmang.
33:73Juz 22 · p. 427

لِيُعَذِّبَ اللَّهُ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْمُشْرِكِينَ وَالْمُشْرِكَاتِ وَيَتُوبَ اللَّهُ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا73

[Ito ay] upang magparusa si Allāh sa mga lalaking mapagpaimbabaw at mga babaing mapagpaimbabaw, at mga lalaking tagatambal at mga babaing tagatambal, at upang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

I-play mula sa simula ng surah