Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:29

وَإِنْ كُنْتُنَّ تُرِدْنَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَالدَّارَ الْآخِرَةَ فَإِنَّ اللَّهَ أَعَدَّ لِلْمُحْسِنَاتِ مِنْكُنَّ أَجْرًا عَظِيمًا

Kung kayo ay nagnanais kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa tahanang pangkabilang-buhay, tunay na si Allāh ay naghanda para sa mga tagagawa ng maganda kabilang sa inyo ng isang pabuyang sukdulan."

Tafsir

Kung kayo ay nagnanais ng kaluguran ni Allāh at ng kaluguran ng Sugo Niya, at nagnanais kayo ng tahanang pangkabilang-buhay, magtiis kayo sa kalagayan ninyo sapagkat tunay na si Allāh ay naghanda para sa sinumang gumawa ng maganda kabilang sa inyo – dahil sa pagtitiis at kagandahan ng pakikisama – ng isang pabuyang sukdulan."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah