Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:30

يَا نِسَاءَ النَّبِيِّ مَنْ يَأْتِ مِنْكُنَّ بِفَاحِشَةٍ مُبَيِّنَةٍ يُضَاعَفْ لَهَا الْعَذَابُ ضِعْفَيْنِ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا

O mga asawa ng Propeta, ang sinumang gagawa kabilang sa inyo ng isang mahalay na malinaw ay pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa nang dalawang ulit. Laging iyon kay Allāh ay madali.

Tafsir

O mga maybahay ng Propeta, ang sinumang gagawa kabilang sa inyo ng isang pagsuway na lantad ay pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon nang dalawang ulit dahil sa kalagayan niya at antas niya at dahil sa pangangalaga sa dangal ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Laging ang pag-iibayong iyon kay Allāh ay madali.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah