Surah 33 · Juz 22

Al-Ahzab · 33:31

۞ وَمَنْ يَقْنُتْ مِنْكُنَّ لِلَّهِ وَرَسُولِهِ وَتَعْمَلْ صَالِحًا نُؤْتِهَا أَجْرَهَا مَرَّتَيْنِ وَأَعْتَدْنَا لَهَا رِزْقًا كَرِيمًا

Ang sinumang magpapakatalima kabilang sa inyo kay Allāh at sa Sugo Niya at gagawa ng maayos ay magbibigay Kami sa kanya ng pabuya niya ng dalawang ulit. Naglaan Kami para sa kanya ng isang panustos na marangal.

Tafsir

Ang sinumang mamamalagi sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa inyo at gagawa ng gawang maayos na kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay magbibigay sa kanya ng gantimpala na doble sa iba pa sa kanya sa lahat ng mga babae. Naghanda Kami para sa kanya sa Kabilang-buhay ng isang pabuyang masagana, ang Paraiso.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah