Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:28

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِأَزْوَاجِكَ إِنْ كُنْتُنَّ تُرِدْنَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا وَزِينَتَهَا فَتَعَالَيْنَ أُمَتِّعْكُنَّ وَأُسَرِّحْكُنَّ سَرَاحًا جَمِيلًا

O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo: "Kung kayo ay nagnanais ng buhay na pangmundo at ng gayak nito, halikayo, magpapatamasa ako sa inyo at magpapalaya ako sa inyo ng pagpapalayang maganda.

Tafsir

O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo kapag humiling sila sa iyo ng pagpapaluwag sa panggugol gayong hindi ka nagkaroon ng maipaluluwag sa kanila: "Kung kayo ay nagnanais ng buhay Mundo at ng anumang narito na gayak, halikayo sa akin, magpapatamasa ako sa inyo ng ipinatatamasa sa mga diborsiyada at magdidiborsiyo ako sa inyo nang isang diborsiyong walang pamiminsala at walang pananakit.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah

Al-Ahzab 33:28 · Tlawati