Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:27

وَأَوْرَثَكُمْ أَرْضَهُمْ وَدِيَارَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ وَأَرْضًا لَمْ تَطَئُوهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرًا

Nagpamana Siya sa inyo ng lupain nila, mga tahanan nila, mga ari-arian nila, at isang lupaing hindi ninyo naapakan. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Tafsir

Pinagmay-ari kayo ni Allāh, matapos ng pagkapahamak nila, ng lupain nila kalakip ng nilalaman nito na mga pananim at mga punong datiles. Pinagmay-ari Niya kayo ng mga tirahan nila at mga iba pang ari-arian nila. Pinagmay-ari Niya kayo ng lupain sa Khaybar na hindi pa ninyo naapakan, subalit kayo ay aapak doon. Ito ay isang pangako at isang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah