Surah 33 · Juz 22

Al-Ahzab · 33:49

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نَكَحْتُمُ الْمُؤْمِنَاتِ ثُمَّ طَلَّقْتُمُوهُنَّ مِنْ قَبْلِ أَنْ تَمَسُّوهُنَّ فَمَا لَكُمْ عَلَيْهِنَّ مِنْ عِدَّةٍ تَعْتَدُّونَهَا ۖ فَمَتِّعُوهُنَّ وَسَرِّحُوهُنَّ سَرَاحًا جَمِيلًا

O mga sumampalataya, kapag nag-asawa kayo ng mga babaing mananampalataya, pagkatapos ay diniborsiyo ninyo sila mula ng bago ninyo sila nasaling, walang ukol sa inyong tungkulin sa kanila na isang panahon ng paghihintay na bibilangin ninyo. Kaya pagtamasahin ninyo sila at palayain ninyo ayon sa isang pagpapalayang maganda.

Tafsir

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kapag nakapagsagawa kayo sa mga babaing mananampalataya ng isang kasunduan ng kasal, pagkatapos nagdiborsiyo kayo sa kanila bago ng pakikipagtalik sa kanila, walang ukol sa inyo ng tungkulin sa kanila na isang `iddah (panahon ng paghihintay bago mag-asawang muli) maging ito man ay batay sa [bilang ng] mga pagreregla o mga buwan dahil sa pagkakaalam sa kawalang-laman ng mga sinapupunan nila dahil sa kawalan ng pakikipagtalik sa kanila. Magpatamasa kayo sa kanila ng mga salapi ninyo alinsunod sa kaluwagan ninyo bilang pampalubag-loob sa mga damdamin nilang nasaktan dahil sa diborsiyo. Hayaan ninyo sila sa landas nila ayon sa nakabubuti nang walang pananakit sa kanila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah