Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:20

يَحْسَبُونَ الْأَحْزَابَ لَمْ يَذْهَبُوا ۖ وَإِنْ يَأْتِ الْأَحْزَابُ يَوَدُّوا لَوْ أَنَّهُمْ بَادُونَ فِي الْأَعْرَابِ يَسْأَلُونَ عَنْ أَنْبَائِكُمْ ۖ وَلَوْ كَانُوا فِيكُمْ مَا قَاتَلُوا إِلَّا قَلِيلًا

Nag-aakala silang ang mga lapian ay hindi umalis. Kung pupunta ang mga lapian ay pakaiibigin nilang sana sila ay mga nakalabas sa ilang na nasa mga Arabeng disyerto, na nagtatanong tungkol sa mga balita sa inyo. Kung sakaling nangyaring sila ay nasa inyo, hindi sila makikipaglaban maliban sa kakaunti.

Tafsir

Nagpapalagay ang mga duwag na ito na ang mga lapiang nagpapangkat para sa pakikipaglaban sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at pakikipaglaban sa mga mananampalataya ay hindi aalis hanggang sa mapuksa nila ang mga mananampalataya. Kung naitakda na dumating ang mga lapian sa isa pang pagkakataon ay magmimithi ang mga mapagpaimbabaw na ito na sila ay mga nakalabas sa Madīnah kasama ng mga Arabeng disyerto, habang nagtatanong tungkol sa mga ulat sa inyo: kung ano ang nangyari sa inyo matapos ng pakikipaglaban ng kaaway ninyo sa inyo? Kung sakaling sila ay nasa inyo, O mga mananampalataya, hindi sila makikipaglaban kasama sa inyo kundi nang kaunti kaya huwag kayong pumansin sa kanila at huwag kayong magdalamhati para sa kanila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah