Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:21

لَقَدْ كَانَ لَكُمْ فِي رَسُولِ اللَّهِ أُسْوَةٌ حَسَنَةٌ لِمَنْ كَانَ يَرْجُو اللَّهَ وَالْيَوْمَ الْآخِرَ وَذَكَرَ اللَّهَ كَثِيرًا

Talaga ngang nagkaroon kayo sa Sugo ni Allāh ng isang huwarang maganda para sa sinumang nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas.

Tafsir

Talaga ngang nagkaroon kayo sa sinabi ng Sugo ni Allāh, isinagawa niya, at ginawa niya ng isang ulirang maganda sapagkat nagpadalo nga siya ng sarili niyang marangal at nagsabalikat siya ng digmaan kaya papaano kayong magdaramot matapos niyon ng mga sarili ninyo sa sarili niya? Walang nagsasahuwaran sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kundi ang sinumang nag-aasam sa gantimpala ni Allāh at awa Niya, nag-aasam sa Huling Araw, gumagawa para roon, at umalaala kay Allāh nang madalas. Hinggil naman sa hindi nag-aasam sa Huling Araw at hindi nag-aalaala kay Allāh nang madalas, tunay na siya ay hindi nagsasahuwaran sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah