Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:9

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ جَاءَتْكُمْ جُنُودٌ فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِيحًا وَجُنُودًا لَمْ تَرَوْهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرًا

O mga sumampalataya, umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo noong may dumating sa inyo na mga kawal at nagpadala sa kanila ng isang hangin at mga kawal na hindi ninyo nakita. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.

Tafsir

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo nang dumating sa Madīnah ang mga kawal ng mga tagatangging sumampalataya, na mga nagbuklud-buklod sa pakikipaglaban sa inyo. Sumuporta sa kanila ang mga mapagpaimbabaw at ang mga Hudyo kaya nagpadala sa kanila ng isang hangin, ang hangin ng silanganing hangin, na ipinang-adya sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Nagpadala Siya ng mga kawal kabilang sa mga anghel na hindi ninyo nakita kaya tumalikod ang mga tagatangging sumampalataya habang mga tumatakas na hindi nakakakaya sa anuman. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon at gaganti sa inyo sa mga gawa ninyo.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah