Surah 33 · Juz 21
Al-Ahzab · 33:10
إِذْ جَاءُوكُمْ مِنْ فَوْقِكُمْ وَمِنْ أَسْفَلَ مِنْكُمْ وَإِذْ زَاغَتِ الْأَبْصَارُ وَبَلَغَتِ الْقُلُوبُ الْحَنَاجِرَ وَتَظُنُّونَ بِاللَّهِ الظُّنُونَا
[Banggitin] noong dumating sila sa inyo mula sa ibabaw ninyo at mula sa ilalim ninyo, at noong lumihis ang mga paningin, umabot ang mga puso sa mga lalamunan, at nagpapalagay kayo kay Allāh ng mga palagay.
Tafsir
Iyon ay nang dumating sa inyo ang mga tagatangging sumampalataya mula sa pinakamataas ng lambak at mula sa pinakamababa niyon mula sa mga dako ng silangan at kanluran. Sa sandaling iyon ay kumiling ang mga paningin palayo sa bawat bagay maliban sa palayo sa pagtingin sa kaaway ng mga ito at umabot ang mga puso sa mga lalamunan dahil sa tindi ng pangamba. Nagpapalagay kayo kay Allāh ng mga palagay na nagkakaiba-iba, kaya minsan ay nagpapalagay kayo ng pag-aadya at minsan naman ay nagpapalagay kayo ng kawalang-pag-asa sa Kanya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah