Surah 33 · Juz 21
Al-Ahzab · 33:5
ادْعُوهُمْ لِآبَائِهِمْ هُوَ أَقْسَطُ عِنْدَ اللَّهِ ۚ فَإِنْ لَمْ تَعْلَمُوا آبَاءَهُمْ فَإِخْوَانُكُمْ فِي الدِّينِ وَمَوَالِيكُمْ ۚ وَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ فِيمَا أَخْطَأْتُمْ بِهِ وَلَٰكِنْ مَا تَعَمَّدَتْ قُلُوبُكُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا
Tumawag kayo sa kanila sa [pangalan ng] mga ama nila; ito ay higit na makatarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam sa mga ama nila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga tinatangkilik ninyo. Walang maisisisi sa inyo sa anumang nagkamali kayo subalit [masisisi kayo] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Tafsir
Mag-ugnay kayo sa mga inaangkin ninyo na sila ay mga anak ninyo sa mga ama nilang tunay sapagkat ang pag-uugnay sa kanila sa mga ito ay ang katarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam para sa kanila ng mga ama na maiuugnay ninyo sila sa mga ito, sila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga pinalaya ninyo mula sa pagkaalipin. Kaya tumawag kayo sa [bawat] isa sa kanila na "O kapatid" at "O pinsan." Walang kasalanan sa inyo kapag nagkamali ang isa sa inyo saka nag-ugnay siya sa isang inaangking anak sa nag-aangking ama nito, subalit nagkakasala kayo sa pagsasadya ng pagsambit niyon. Laging si Allāh ay Mapagpatawad para sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang hindi Siya nanisi sa kanila dahil sa kamalian.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah