Surah 33 · Juz 21
Al-Ahzab · 33:6
النَّبِيُّ أَوْلَىٰ بِالْمُؤْمِنِينَ مِنْ أَنْفُسِهِمْ ۖ وَأَزْوَاجُهُ أُمَّهَاتُهُمْ ۗ وَأُولُو الْأَرْحَامِ بَعْضُهُمْ أَوْلَىٰ بِبَعْضٍ فِي كِتَابِ اللَّهِ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُهَاجِرِينَ إِلَّا أَنْ تَفْعَلُوا إِلَىٰ أَوْلِيَائِكُمْ مَعْرُوفًا ۚ كَانَ ذَٰلِكَ فِي الْكِتَابِ مَسْطُورًا
Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. Ang mga maybahay niya ay mga ina nila. Ang mga may mga ugnayang pangkaanak, ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba [sa pagmamana] ayon sa Batas ni Allāh kaysa sa mga mananampalataya at mga lumikas, maliban na gumawa kayo sa mga tinangkilik ninyo ng isang nakabubuti. Nangyaring iyon sa Aklat ay nakatitik.
Tafsir
Si Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay higit na may karapatan sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila sa bawat ipinaanyaya niya sa kanila, kahit pa man ang mga sarili nila ay higit na kumikiling sa iba pa rito. Ang mga maybahay niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay nasa antas ng mga ina ng lahat ng mga mananampalataya kaya ipinagbabawal sa isang mananampalataya na mapangasawa ang isa sa kanila matapos ng pagkamatay niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang mga may pagkakamag-anak, ang iba sa kanila ay higit na may karapatan sa iba sa pagmamana ayon sa patakaran ni Allāh kaysa sa mga may pananampalataya at paglikas sa landas ni Allāh. Sila noon ay nagmamanahan sa pagitan nila sa simula ng Islām, pagkatapos pinawalang-saysay ang pagmamanahan nila matapos niyon, maliban na gumawa kayo, O mga mananampalataya, sa mga katangkilik ninyo kabilang sa hindi mga tagapagmana ng isang nakabubuti na paghahabilin para sa kanila at paggawa ng maganda sa kanila sapagkat ukol sa inyo iyon. Noon pa man ang kahatulang iyon ay nakatitik sa Tablerong Pinag-iingatan kaya kinakailangan ang paggawa ayon doon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah