Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:7

وَإِذْ أَخَذْنَا مِنَ النَّبِيِّينَ مِيثَاقَهُمْ وَمِنْكَ وَمِنْ نُوحٍ وَإِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ ۖ وَأَخَذْنَا مِنْهُمْ مِيثَاقًا غَلِيظًا

[Banggitin] noong tumanggap Kami mula sa mga propeta ng kasunduan nila, mula sa iyo, at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Hesus na anak ni Maria. Tumanggap Kami mula sa kanila ng kasunduang mariin,

Tafsir

Banggitin mo, O Sugo, noong tumanggap si Allāh mula sa mga propeta ng isang kasunduang binigyang-diin na sumamba sila kay Allāh lamang at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at na magpaabot sila ng pinababa Niya sa kanila mula sa kasi. Tumanggap Siya, lalo na, mula sa iyo, at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Jesus na anak ni Maria. Tumanggap si Allāh mula sa kanila ng isang kasunduang binigyang-diin sa pagtupad sa ipinagkatiwala sa kanila na pagpapaabot sa mga pasugo Niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah