Surah 33 · Juz 22
Al-Ahzab · 33:72
إِنَّا عَرَضْنَا الْأَمَانَةَ عَلَى السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَالْجِبَالِ فَأَبَيْنَ أَنْ يَحْمِلْنَهَا وَأَشْفَقْنَ مِنْهَا وَحَمَلَهَا الْإِنْسَانُ ۖ إِنَّهُ كَانَ ظَلُومًا جَهُولًا
Tunay na Kami ay nag-alok ng tiwala sa mga langit, lupa, at mga bundok, ngunit tumanggi ang mga ito na pumasan nito at nahintakutan dito, at pumasan naman nito ang tao; tunay na siya ay naging napakamapaglabag sa katarungan, napakamangmang.
Tafsir
Tunay na Kami ay nag-alok ng [pagtitiwala sa] mga tungkuling pambatas at anumang nangangalaga sa mga yaman at mga lihim, sa mga langit, sa lupa, at sa mga bundok, ngunit tumanggi ang mga ito na pumasan niyon at nangamba ang mga ito sa kahihinatnan niyan. Pumasan naman niyon ang tao; tunay na siya ay naging napakamapaglabag sa katarungan sa sarili niya, napakamangmang sa kahihinatnan ng pagpasan niyon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah