Surah 33 · Juz 22
Al-Ahzab · 33:73
لِيُعَذِّبَ اللَّهُ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْمُشْرِكِينَ وَالْمُشْرِكَاتِ وَيَتُوبَ اللَّهُ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا
[Ito ay] upang magparusa si Allāh sa mga lalaking mapagpaimbabaw at mga babaing mapagpaimbabaw, at mga lalaking tagatambal at mga babaing tagatambal, at upang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Tafsir
Pumasan niyon ang tao ayon sa pagtatakda mula kay Allāh upang pagdusahin ni Allāh ang mga mapagpaimbabaw na mga lalaki at ang mga mapagpaimbabaw na mga babae, at ang mga tagapagtambal na mga lalaki at ang mga tagapagtambal na mga babae dahil sa pagpapaimbabaw nila at pagtatambal nila kay Allāh, at upang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na gumawa ng maganda sa pagpasan ng pagtitiwala sa mga tungkulin. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah