Surah 33 · Juz 22

Al-Ahzab · 33:59

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِأَزْوَاجِكَ وَبَنَاتِكَ وَنِسَاءِ الْمُؤْمِنِينَ يُدْنِينَ عَلَيْهِنَّ مِنْ جَلَابِيبِهِنَّ ۚ ذَٰلِكَ أَدْنَىٰ أَنْ يُعْرَفْنَ فَلَا يُؤْذَيْنَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا

O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaing anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglagay sila sa ibabaw nila ng bahagi ng mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila para hindi sila pinsalain. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

Tafsir

O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, sabihin mo sa mga babaing anak mo, at sabihin mo sa mga kababaihan ng mga mananampalataya na magbaba sila sa ibabaw nila ng bahagi ng mga balabal nila na isinusuot nila upang walang malantad mula sa kanila na `awrah (kahubaran) sa harap ng mga hindi kaanu-ano na mga lalaki. Iyon ay higit na malapit na makilala na sila ay mga malayang babae para walang gumambala sa kanila na isa man sa pamamagitan ng pananakit gaya ng gumagambala sa mga babaing alipin. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah