Surah 33 · Juz 22
Al-Ahzab · 33:54
إِنْ تُبْدُوا شَيْئًا أَوْ تُخْفُوهُ فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا
Kung maglalahad kayo ng isang bagay o magtatago kayo nito, tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam.
Tafsir
Kung maglalantad kayo ng anuman kabilang sa mga gawain ninyo o magtatakip kayo nito sa mga sarili ninyo ay walang makakukubli kay Allāh mula rito na anuman. Tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo ni mula sa iba pa sa mga ito. Gaganti Siya sa inyo sa mga gawain ninyo; kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [din ang ganti].
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah