Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:18

۞ قَدْ يَعْلَمُ اللَّهُ الْمُعَوِّقِينَ مِنْكُمْ وَالْقَائِلِينَ لِإِخْوَانِهِمْ هَلُمَّ إِلَيْنَا ۖ وَلَا يَأْتُونَ الْبَأْسَ إِلَّا قَلِيلًا

Nakaaalam nga si Allāh sa mga tagasagabal kabilang sa inyo at mga tagasabi sa mga kapatid nila: "Pumarito kayo sa amin," gayong hindi sila pumupunta sa labanan maliban sa kakaunti.

Tafsir

Nakaaalam si Allāh sa mga tagapagpatamlay kabilang sa inyo sa iba pa sa inyo sa pakikipaglaban kasama sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at mga tagasabi sa mga kapatid nila: "Halikayo sa amin at huwag tayong makipaglaban kasama sa kanya upang hindi kayo mapatay sapagkat tunay na kami ay nangangamba para sa inyo ng pagkapatay." Ang mga tagapagpahina ng loob na ito ay hindi pumupunta sa digmaan at hindi nakikilahok doon malibang madalang upang magtulak sila palayo sa mga sarili nila ng kahihiyan hindi upang mag-adya sila kay Allāh at sa Sugo Niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah