Surah 33 · Juz 21
Al-Ahzab · 33:17
قُلْ مَنْ ذَا الَّذِي يَعْصِمُكُمْ مِنَ اللَّهِ إِنْ أَرَادَ بِكُمْ سُوءًا أَوْ أَرَادَ بِكُمْ رَحْمَةً ۚ وَلَا يَجِدُونَ لَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا
Sabihin mo: "Sino itong magsasanggalang sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng isang kasagwaan o nagnais Siya sa inyo ng isang awa?" Hindi sila nakatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang tagatangkilik ni isang mapag-adya.
Tafsir
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino itong magtatanggol sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng kinasusuklaman ninyo na kamatayan o pagkapatay, o nagnais Siya sa inyo ng inaasahan ninyo na pagkaligtas at kabutihan? Walang isang magtatanggol sa inyo laban doon." Hindi makatatagpo ang mga mapagpaimbabaw na ito para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang tagatangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila ni ng isang mapag-adya na magtatanggol sa kanila laban sa parusa ni Allāh para sa kanila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah