Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:16

قُلْ لَنْ يَنْفَعَكُمُ الْفِرَارُ إِنْ فَرَرْتُمْ مِنَ الْمَوْتِ أَوِ الْقَتْلِ وَإِذًا لَا تُمَتَّعُونَ إِلَّا قَلِيلًا

Sabihin mo: "Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagtakas kung tumakas kayo sa kamatayan o pagkapatay, at samakatuwid hindi kayo pagtatamasain malibang kakaunti."

Tafsir

Sabihin mo, O Sugo, sa mga ito: "Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagtakas kung tumakas kayo sa pakikipaglaban dahil sa pangamba sa kamatayan o sa pagkapatay dahil ang mga taning [ng buhay] ay nakatakda. Kapag tumakas kayo at hindi pa dumating ang taning ninyo, tunay na kayo ay hindi magtatamasa sa buhay kundi sa kaunting panahon."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah