Surah 33 · Juz 22
Al-Ahzab · 33:38
مَا كَانَ عَلَى النَّبِيِّ مِنْ حَرَجٍ فِيمَا فَرَضَ اللَّهُ لَهُ ۖ سُنَّةَ اللَّهِ فِي الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلُ ۚ وَكَانَ أَمْرُ اللَّهِ قَدَرًا مَقْدُورًا
Hindi nangyaring sa Propeta ay may anumang pagkaasiwa sa anumang isinatungkulin ni Allāh sa kanya bilang kalakaran ni Allāh sa mga nakalipas noon pa. Ang kautusan ni Allāh ay isang pagtatakdang itinakda.
Tafsir
Hindi nangyaring kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay may anumang kasalanan o panggigipit kaugnay sa ipinahintulot ni Allāh na pagpapakasal sa [dating] maybahay ng anak niya sa pag-aampon. Siya, kaugnay roon, ay sumusunod sa kalakaran ng mga propeta bago pa niya sapagkat siya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi kauna-unahan sa mga sugo kaugnay roon. Laging ang itinatadhana ni Allāh – na pagsasagawa ng kasal na ito at pagpapawalang-saysay sa pag-aampon samantalang ang Propeta ay hindi nagkaroon dito ng opinyon o mapagpipilian – ay isang pagtatadhanang matutupad, na walang makahahadlang dito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah