Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:24

لِيَجْزِيَ اللَّهُ الصَّادِقِينَ بِصِدْقِهِمْ وَيُعَذِّبَ الْمُنَافِقِينَ إِنْ شَاءَ أَوْ يَتُوبَ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا

upang gantihan ni Allāh ang mga tapat dahil sa katapatan nila at pagdusahin Niya ang mga mapagpaimbabaw kung niloob Niya o tanggapin Niya sa kanila ang pagbabalik-loob. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

Tafsir

[Ito ay] upang gantihan ni Allāh ang mga tapat na tumupad sa ipinangako nila kay Allāh dahil sa katapatan nila at pagtupad nila sa mga pangako nila, at pagdusahin Niya ang mga mapagpaimbabaw na sumisira sa mga pangako nila kung niloob Niya na magbigay-kamatayan sa kanila bago ng pagbabalik-loob mula sa kawalang-pananampalataya nila o tumanggap sa kanila ng pagbabalik-loob sa pamamagitan ng pagtutuon sa kanila sa pagbabalik-loob. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala nito, Maawain dito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah