Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:23

مِنَ الْمُؤْمِنِينَ رِجَالٌ صَدَقُوا مَا عَاهَدُوا اللَّهَ عَلَيْهِ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ قَضَىٰ نَحْبَهُ وَمِنْهُمْ مَنْ يَنْتَظِرُ ۖ وَمَا بَدَّلُوا تَبْدِيلًا

Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat sa ipinangako nila kay Allāh sapagkat mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi sila nagpalit [sa pangako] ng isang pagpapalit,

Tafsir

Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat kay Allāh kaya tumupad sila sa ipinangako nila sa Kanya na pagpapakatatag at pagtitiis sa pakikibaka sa landas Niya sapagkat mayroon sa kanila na namatay o napatay sa landas Niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa ng pagkamartir sa landas Niya. Hindi binago ng mga mananampalatayang ito ang ipinangako nila kay Allāh tulad ng ginawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga pangako ng mga iyon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah