Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:25

وَرَدَّ اللَّهُ الَّذِينَ كَفَرُوا بِغَيْظِهِمْ لَمْ يَنَالُوا خَيْرًا ۚ وَكَفَى اللَّهُ الْمُؤْمِنِينَ الْقِتَالَ ۚ وَكَانَ اللَّهُ قَوِيًّا عَزِيزًا

Nagpaurong si Allāh sa mga tumangging sumampalataya sa ngitngit nila nang hindi nagtamo ng isang kabutihan. Nakasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Laging si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.

Tafsir

Nagpaurong si Allāh sa [liping] Quraysh, [liping] Ghaṭafān, at mga kasama sa kanila habang nasa pagdadalamhati nila at pagkahapis nila dahil sa pagkaalpas sa kanila ng inasahan nila, na hindi nagkamit ng ninais nila na paglipol sa mga mananampalataya. Nakasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban kasama sa kanila dahil sa ipinadala Niya na hangin at pinababa Niya na mga anghel. Laging si Allāh ay Malakas, Makapangyarihang walang nakikipanaig sa Kanya na isa man malibang nadadaig Niya at itinatatwa Niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah