Surah 33 · Juz 21

Al-Ahzab · 33:12

وَإِذْ يَقُولُ الْمُنَافِقُونَ وَالَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ مَا وَعَدَنَا اللَّهُ وَرَسُولُهُ إِلَّا غُرُورًا

[Banggitin] noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga sa mga puso nila ay may sakit: "Walang ipinangako sa amin si Allāh at ang Sugo Niya malibang isang pagkalinlang."

Tafsir

Nang araw na iyon, nagsabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mahihina ang pananampalataya na sa mga puso nila ay may pagdududa: "Walang ipinangako sa amin si Allāh at ang Sugo Niya na pag-aadya laban sa kaaway namin at pagbibigay-kapangyarihan para sa amin sa lupa kundi isang kabulaanang walang batayan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah