Surah 33 · Juz 21
Al-Ahzab · 33:13
وَإِذْ قَالَتْ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ يَا أَهْلَ يَثْرِبَ لَا مُقَامَ لَكُمْ فَارْجِعُوا ۚ وَيَسْتَأْذِنُ فَرِيقٌ مِنْهُمُ النَّبِيَّ يَقُولُونَ إِنَّ بُيُوتَنَا عَوْرَةٌ وَمَا هِيَ بِعَوْرَةٍ ۖ إِنْ يُرِيدُونَ إِلَّا فِرَارًا
[Banggitin] noong may nagsabing isang pangkatin kabilang sa kanila: "O mga mamamayan ng Yathrib, walang panananatilihan para sa inyo kaya manumbalik kayo." May nagpapaalam na isang pangkat kabilang sa kanila sa Propeta, na nagsasabi: "Tunay na ang mga bahay namin ay nakabuyayang," gayong iyon ang mga iyon ay hindi nakabuyayang. Wala silang ninanais kundi isang pagtakas.
Tafsir
Banggitin mo, O Sugo, nang may isang pangkat kabilang sa mga mapagpaimbabaw na nagsabi sa mga mamamayan sa Madīnah: "O mga mamamayan ng Yathrib (ang pangalan ng Madīnah bago ng Islām), walang pananatili para sa inyo sa tabi ng paanan ng burol ng Sal` malapit sa bambang kaya bumalik kayo sa mga tirahan ninyo." May humihiling na isang pangkatin kabilang sa kanila ng pahintulot mula sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na lumisan sila patungo sa mga bahay nila sa pagdadahilang ang mga bahay nila ay nakalantad sa kaaway samantalang ang mga iyon ay hindi nakalantad gaya ng pinagsasabi nila. Ninanais lamang nila sa pagdadahilang sinungaling na ito ang tumakas mula sa kaaway.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah