Surah 33 · Juz 22
Al-Ahzab · 33:43
هُوَ الَّذِي يُصَلِّي عَلَيْكُمْ وَمَلَائِكَتُهُ لِيُخْرِجَكُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۚ وَكَانَ بِالْمُؤْمِنِينَ رَحِيمًا
Siya ay ang nagpapala sa inyo, at ang mga anghel Niya, upang magpalabas sa inyo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain.
Tafsir
Siya ay ang naaawa sa inyo at nagbubunyi sa inyo. Dumadalangin para sa inyo ang mga anghel Niya para palabasin kayo mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya tungo sa liwanag ng pananampalataya. Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain sapagkat hindi Siya nagpaparusa sa kanila kapag sila ay tumalima sa Kanya, sumunod sa ipinag-uutos Niya at umiwas sa sinasaway Niya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah