Surah 33 · Juz 22
Al-Ahzab · 33:57
إِنَّ الَّذِينَ يُؤْذُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ لَعَنَهُمُ اللَّهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَأَعَدَّ لَهُمْ عَذَابًا مُهِينًا
Tunay na ang mga nananakit kay Allāh at sa Sugo Niya ay isinumpa sila ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang manghahamak.
Tafsir
Tunay na ang mga nananakit kay Allāh at sa Sugo Niya sa salita o gawa ay inilayo sila ni Allāh at itinaboy Niya sila mula sa bakuran ng awa Niya sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Naghanda Siya para sa kanila sa Kabilang-buhay ng isang pagdurusang mang-aaba bilang ganti para sa kanila sa ginawa nila na pananakit sa Sugo Niya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah