Surah 33 · Juz 22

Al-Ahzab · 33:45

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِنَّا أَرْسَلْنَاكَ شَاهِدًا وَمُبَشِّرًا وَنَذِيرًا

O Propeta, tunay na Kami ay nagsugo sa iyo bilang tagasaksi, na tagapagbalita ng nakagagalak, na tagapagbabala,

Tafsir

O Propeta, tunay na Kami ay nagpadala sa iyo sa mga tao bilang tagasaksi sa kanila sa pamamagitan ng pagpapaabot mo sa kanila ng ipinasugo sa iyo sa kanila, bilang tagapagbalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya kabilang sa kanila hinggil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na paraiso, bilang tagapagpangamba ng mga tagatangging sumampalataya sa inihanda para sa kanila ng pagdurusang dulot Niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah