Surah 33 · Juz 22

Al-Ahzab · 33:36

وَمَا كَانَ لِمُؤْمِنٍ وَلَا مُؤْمِنَةٍ إِذَا قَضَى اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَمْرًا أَنْ يَكُونَ لَهُمُ الْخِيَرَةُ مِنْ أَمْرِهِمْ ۗ وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا مُبِينًا

Hindi nangyaring ukol sa lalaking mananampalataya ni sa babaing mananampalataya, kapag humusga si Allāh at ang Sugo Niya ng isang bagay, na magkaroon sila ng mapagpipilian sa nauukol nila. Ang sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay naligaw nga nang pagkaligaw na malinaw.

Tafsir

Hindi natutumpak para sa isang lalaking mananampalataya ni sa isang babaing mananampalataya, kapag humatol si Allāh at ang Sugo Niya sa kanila ng isang bagay, na magkaroon sila ng pagpipilian sa pagtanggap dito at sa pagtanggi dito. Ang sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay naligaw nga palayo sa landasing tuwid ayon nang isang pagkaligaw na malinaw.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah