An-Naml

سورة النمل

Surah 27 · Makki · 93 mga talata

27:1Juz 19 · p. 377

طس ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْقُرْآنِ وَكِتَابٍ مُبِينٍ1

Ṭā’. Sīn. Ang mga ito ay ang mga talata ng Qur’ān at ng isang Aklat na malinaw
27:2Juz 19 · p. 377

هُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ2

bilang isang patnubay at isang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya,
27:3Juz 19 · p. 377

الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُمْ بِالْآخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ3

na mga nagpapanatili ng pagdarasal, nagbibigay ng zakāh, at sila, sa Kabilang-buhay, sila ay nakatitiyak.
27:4Juz 19 · p. 377

إِنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ زَيَّنَّا لَهُمْ أَعْمَالَهُمْ فَهُمْ يَعْمَهُونَ4

Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay ipinang-akit Namin para sa kanila ang mga gawain nila kaya naman nag-aapuhap sila.
27:5Juz 19 · p. 377

أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَهُمْ سُوءُ الْعَذَابِ وَهُمْ فِي الْآخِرَةِ هُمُ الْأَخْسَرُونَ5

Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagdurusa, at sila sa Kabilang-buhay ay ang mga pinakalugi.
27:6Juz 19 · p. 377

وَإِنَّكَ لَتُلَقَّى الْقُرْآنَ مِنْ لَدُنْ حَكِيمٍ عَلِيمٍ6

Tunay na ikaw ay talagang ginagawaran ng Qur’ān mula sa panig ng Marunong, Maalam.
27:7Juz 19 · p. 377

إِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِأَهْلِهِ إِنِّي آنَسْتُ نَارًا سَآتِيكُمْ مِنْهَا بِخَبَرٍ أَوْ آتِيكُمْ بِشِهَابٍ قَبَسٍ لَعَلَّكُمْ تَصْطَلُونَ7

[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mag-anak niya: "Tunay na ako ay nakatanaw ng apoy. Makapaghahatid ako sa inyo mula roon ng isang balita o makapaghahatid ako sa inyo ng ningas na pamparikit. Harinawa kayo ay makapagpapainit."
27:8Juz 19 · p. 377

فَلَمَّا جَاءَهَا نُودِيَ أَنْ بُورِكَ مَنْ فِي النَّارِ وَمَنْ حَوْلَهَا وَسُبْحَانَ اللَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ8

Ngunit noong dumating siya roon, tinawag siya: "Pinagpala ang sinumang nasa apoy at ang sinumang nasa paligid nito. Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang."
27:9Juz 19 · p. 377

يَا مُوسَىٰ إِنَّهُ أَنَا اللَّهُ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ9

O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
27:10Juz 19 · p. 377

وَأَلْقِ عَصَاكَ ۚ فَلَمَّا رَآهَا تَهْتَزُّ كَأَنَّهَا جَانٌّ وَلَّىٰ مُدْبِرًا وَلَمْ يُعَقِّبْ ۚ يَا مُوسَىٰ لَا تَخَفْ إِنِّي لَا يَخَافُ لَدَيَّ الْمُرْسَلُونَ10

Pumukol ka ng patpat mo." Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya nang patakas at hindi bumalik [sa dinaanan]. [Sinabi]: "O Moises, huwag kang mangamba. Tunay na Ako ay hindi pinangangambahan, sa harap Ko, ng mga isinugo,
27:11Juz 19 · p. 377

إِلَّا مَنْ ظَلَمَ ثُمَّ بَدَّلَ حُسْنًا بَعْدَ سُوءٍ فَإِنِّي غَفُورٌ رَحِيمٌ11

maliban sa sinumang lumabag sa katarungan, pagkatapos ay nagpalit ng kagandahan matapos ng kasagwaan, sapagkat Ako ay Mapagpatawad, Maawain.
27:12Juz 19 · p. 377

وَأَدْخِلْ يَدَكَ فِي جَيْبِكَ تَخْرُجْ بَيْضَاءَ مِنْ غَيْرِ سُوءٍ ۖ فِي تِسْعِ آيَاتٍ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَقَوْمِهِ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ12

Ipasok mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang sakit. Iyapos mo sa iyo ang kamay mo laban sa sindak. [Ito ay] nasa siyam na tanda para kay Paraon at mga tao niya. Tunay na sila ay mga taong suwail."
27:13Juz 19 · p. 377

فَلَمَّا جَاءَتْهُمْ آيَاتُنَا مُبْصِرَةً قَالُوا هَٰذَا سِحْرٌ مُبِينٌ13

Ngunit noong dumating sa kanila ang mga tanda Namin na nakikita ay nagsabi sila: "Ito ay isang panggagaway na malinaw."
27:14Juz 19 · p. 378

وَجَحَدُوا بِهَا وَاسْتَيْقَنَتْهَا أَنْفُسُهُمْ ظُلْمًا وَعُلُوًّا ۚ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ14

Nagkaila sila sa mga ito samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila, dala ng paglabag sa katarungan at pagmamataas. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo.
27:15Juz 19 · p. 378

وَلَقَدْ آتَيْنَا دَاوُودَ وَسُلَيْمَانَ عِلْمًا ۖ وَقَالَا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِيرٍ مِنْ عِبَادِهِ الْمُؤْمِنِينَ15

Talaga ngang nagbigay Kami kina David at Solomon ng kaalaman, at nagsabi silang dalawa: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya."
27:16Juz 19 · p. 378

وَوَرِثَ سُلَيْمَانُ دَاوُودَ ۖ وَقَالَ يَا أَيُّهَا النَّاسُ عُلِّمْنَا مَنْطِقَ الطَّيْرِ وَأُوتِينَا مِنْ كُلِّ شَيْءٍ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ الْفَضْلُ الْمُبِينُ16

Nagmana si Solomon kay David, at nagsabi: "O mga tao, tinuruan kami ng pagbigkas ng ibon at binigyan kami mula sa bawat bagay. Tunay na ito ay talagang ang kabutihang-loob na malinaw."
27:17Juz 19 · p. 378

وَحُشِرَ لِسُلَيْمَانَ جُنُودُهُ مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ وَالطَّيْرِ فَهُمْ يُوزَعُونَ17

Kinalap para kay Solomon ang mga kawal niya mula sa jinn, tao, at ibon, at sila ay hinahanay.
27:18Juz 19 · p. 378

حَتَّىٰ إِذَا أَتَوْا عَلَىٰ وَادِ النَّمْلِ قَالَتْ نَمْلَةٌ يَا أَيُّهَا النَّمْلُ ادْخُلُوا مَسَاكِنَكُمْ لَا يَحْطِمَنَّكُمْ سُلَيْمَانُ وَجُنُودُهُ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ18

Hanggang sa nang nakapunta sila sa lambak ng mga langgam, may nagsabing isang langgam: "O mga langgam, pumasok kayo sa mga tirahan ninyo, hindi nga makadudurog sa inyo si Solomon at ang mga kawal niya habang sila ay hindi nakadarama."
27:19Juz 19 · p. 378

فَتَبَسَّمَ ضَاحِكًا مِنْ قَوْلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوْزِعْنِي أَنْ أَشْكُرَ نِعْمَتَكَ الَّتِي أَنْعَمْتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَالِدَيَّ وَأَنْ أَعْمَلَ صَالِحًا تَرْضَاهُ وَأَدْخِلْنِي بِرَحْمَتِكَ فِي عِبَادِكَ الصَّالِحِينَ19

Kaya ngumiti-ngiti si Solomon na natatawa sa sabi niyon. Nagsabi siya: "Panginoon ko, umudyok Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa ama ko at na gumawa ako ng maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin sa awa Mo sa mga lingkod Mong mga maayos."
27:20Juz 19 · p. 378

وَتَفَقَّدَ الطَّيْرَ فَقَالَ مَا لِيَ لَا أَرَى الْهُدْهُدَ أَمْ كَانَ مِنَ الْغَائِبِينَ20

Nagsiyasat siya sa mga ibon kaya nagsabi siya: "Bakit ako ay hindi nakakikita sa abubilya, o siya ay naging kabilang sa mga lumiliban?
27:21Juz 19 · p. 378

لَأُعَذِّبَنَّهُ عَذَابًا شَدِيدًا أَوْ لَأَذْبَحَنَّهُ أَوْ لَيَأْتِيَنِّي بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ21

Talagang pagdurusahin ko siya ng isang pagdurusang matindi, o talagang kakatayin ko siya, o maghatid siya sa akin ng isang katunayang malinaw."
27:22Juz 19 · p. 378

فَمَكَثَ غَيْرَ بَعِيدٍ فَقَالَ أَحَطْتُ بِمَا لَمْ تُحِطْ بِهِ وَجِئْتُكَ مِنْ سَبَإٍ بِنَبَإٍ يَقِينٍ22

Kaya namalagi ito nang hindi malayo at nagsabi: "Nakasaklaw ako ng hindi mo nasaklawan at nagdala ako sa iyo mula sa Shebah ng isang balitang tiyak.
27:23Juz 19 · p. 379

إِنِّي وَجَدْتُ امْرَأَةً تَمْلِكُهُمْ وَأُوتِيَتْ مِنْ كُلِّ شَيْءٍ وَلَهَا عَرْشٌ عَظِيمٌ23

Tunay na ako ay nakatagpo ng isang babaing naghahari sa kanila, at nabigyan siya mula sa bawat bagay, at mayroon siyang isang tronong dakila.
27:24Juz 19 · p. 379

وَجَدْتُهَا وَقَوْمَهَا يَسْجُدُونَ لِلشَّمْسِ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَزَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَالَهُمْ فَصَدَّهُمْ عَنِ السَّبِيلِ فَهُمْ لَا يَهْتَدُونَ24

Nakatagpo ako sa kanya at mga tao niya na nagpapatirapa sa araw bukod pa kay Allāh. Ipinaakit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila at bumalakid iyon sa landas kaya sila ay hindi napapatnubayan,
27:25Juz 19 · p. 379

أَلَّا يَسْجُدُوا لِلَّهِ الَّذِي يُخْرِجُ الْخَبْءَ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَيَعْلَمُ مَا تُخْفُونَ وَمَا تُعْلِنُونَ25

kaya hindi sila nagpapatirapa kay Allāh na nagpapalabas ng nakatago sa mga langit at lupa at nakaaalam sa anumang ikinukubli nila at anumang inihahayag nila.
27:26Juz 19 · p. 379

اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ الْعَرْشِ الْعَظِيمِ ۩26

Si Allāh – walang Diyos kundi Siya – ay ang Panginoon ng tronong dakila."
27:27Juz 19 · p. 379

۞ قَالَ سَنَنْظُرُ أَصَدَقْتَ أَمْ كُنْتَ مِنَ الْكَاذِبِينَ27

Nagsabi siya: "Titingnan namin kung nagtotoo ka ba o ikaw ay naging kabilang sa mga sinungaling.
27:28Juz 19 · p. 379

اذْهَبْ بِكِتَابِي هَٰذَا فَأَلْقِهْ إِلَيْهِمْ ثُمَّ تَوَلَّ عَنْهُمْ فَانْظُرْ مَاذَا يَرْجِعُونَ28

Umalis ka kasama ng liham kong ito at ipukol mo ito sa kanila. Pagkatapos ay tumalikod ka sa kanila at tingnan mo kung ano ang [sagot na] ibabalik nila."
27:29Juz 19 · p. 379

قَالَتْ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ إِنِّي أُلْقِيَ إِلَيَّ كِتَابٌ كَرِيمٌ29

Nagsabi siya: "O konseho, tunay na ako ay pinukol ng isang liham na marangal.
27:30Juz 19 · p. 379

إِنَّهُ مِنْ سُلَيْمَانَ وَإِنَّهُ بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ30

Tunay na ito ay mula kay Solomon, at tunay na ito ay sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain,
27:31Juz 19 · p. 379

أَلَّا تَعْلُوا عَلَيَّ وَأْتُونِي مُسْلِمِينَ31

na [nagsasaad]: Huwag kayong magmataas sa akin at pumunta kayo sa akin bilang mga Muslim."
27:32Juz 19 · p. 379

قَالَتْ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ أَفْتُونِي فِي أَمْرِي مَا كُنْتُ قَاطِعَةً أَمْرًا حَتَّىٰ تَشْهَدُونِ32

Nagsabi siya: "O konseho, magpayo kayo sa akin sa usapin ko. Hindi nangyaring ako ay magpapasya ng isang usapin hanggang sa sumaksi kayo sa akin."
27:33Juz 19 · p. 379

قَالُوا نَحْنُ أُولُو قُوَّةٍ وَأُولُو بَأْسٍ شَدِيدٍ وَالْأَمْرُ إِلَيْكِ فَانْظُرِي مَاذَا تَأْمُرِينَ33

Nagsabi sila: "Tayo ay mga may lakas na matindi, at ang usapin ay nasa iyo kaya tumingin ka kung ano ang ipag-uutos mo."
27:34Juz 19 · p. 379

قَالَتْ إِنَّ الْمُلُوكَ إِذَا دَخَلُوا قَرْيَةً أَفْسَدُوهَا وَجَعَلُوا أَعِزَّةَ أَهْلِهَا أَذِلَّةً ۖ وَكَذَٰلِكَ يَفْعَلُونَ34

Nagsabi siya: "Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sila sa isang pamayanan, ay nanggugulo roon at gumagawa sa mga mahal sa mga naninirahan doon bilang mga hamak. Gayon ang ginagawa nila.
27:35Juz 19 · p. 379

وَإِنِّي مُرْسِلَةٌ إِلَيْهِمْ بِهَدِيَّةٍ فَنَاظِرَةٌ بِمَ يَرْجِعُ الْمُرْسَلُونَ35

Tunay na ako ay magsusugo papunta sa kanila na may dalang isang regalo at titingin sa anumang ibabalik ng mga isinugo.
27:36Juz 19 · p. 380

فَلَمَّا جَاءَ سُلَيْمَانَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالٍ فَمَا آتَانِيَ اللَّهُ خَيْرٌ مِمَّا آتَاكُمْ بَلْ أَنْتُمْ بِهَدِيَّتِكُمْ تَفْرَحُونَ36

Kaya noong dumating sila kay Solomon ay nagsabi siya: "Nagkakaloob ba kayo sa akin ng yaman ngunit ang ibinigay sa akin ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo? Bagkus kayo sa regalo ninyo ay natutuwa.
27:37Juz 19 · p. 380

ارْجِعْ إِلَيْهِمْ فَلَنَأْتِيَنَّهُمْ بِجُنُودٍ لَا قِبَلَ لَهُمْ بِهَا وَلَنُخْرِجَنَّهُمْ مِنْهَا أَذِلَّةً وَهُمْ صَاغِرُونَ37

Bumalik ka sa kanila sapagkat talagang pupunta nga kami sa kanila kasama ng mga kawal na walang lakas sa kanila laban sa mga ito at talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula roon bilang hamak habang sila ay mga minamaliit.
27:38Juz 19 · p. 380

قَالَ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ أَيُّكُمْ يَأْتِينِي بِعَرْشِهَا قَبْلَ أَنْ يَأْتُونِي مُسْلِمِينَ38

Nagsabi siya: "O konseho, alin sa inyo ang maghahatid sa akin ng trono niya bago sila pumunta sa akin bilang mga nagpapasakop?"
27:39Juz 19 · p. 380

قَالَ عِفْرِيتٌ مِنَ الْجِنِّ أَنَا آتِيكَ بِهِ قَبْلَ أَنْ تَقُومَ مِنْ مَقَامِكَ ۖ وَإِنِّي عَلَيْهِ لَقَوِيٌّ أَمِينٌ39

May nagsabing isang makapangyarihan kabilang sa mga jinn: "Ako ay maghahatid sa iyo niyon bago ka makatayo mula sa pinanatilihan mo. Tunay na ako roon ay talagang malakas na mapagkakatiwalaan."
27:40Juz 19 · p. 380

قَالَ الَّذِي عِنْدَهُ عِلْمٌ مِنَ الْكِتَابِ أَنَا آتِيكَ بِهِ قَبْلَ أَنْ يَرْتَدَّ إِلَيْكَ طَرْفُكَ ۚ فَلَمَّا رَآهُ مُسْتَقِرًّا عِنْدَهُ قَالَ هَٰذَا مِنْ فَضْلِ رَبِّي لِيَبْلُوَنِي أَأَشْكُرُ أَمْ أَكْفُرُ ۖ وَمَنْ شَكَرَ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّي غَنِيٌّ كَرِيمٌ40

Nagsabi ang may taglay na kaalaman mula sa kasulatan: "Ako ay maghahatid sa iyo niyon bago makabalik sa iyo ang pagkurap mo." Noong nakita niya iyon na nakalapag sa piling niya ay nagsabi siya: "Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ng Panginoon ko upang sulitin Niya ako kung magpapasalamat ba ako o tatanggi akong magpasalamat. Ang sinumang nagpasalamat ay nagpasalamat lamang para sa sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan, Mapagbigay."
27:41Juz 19 · p. 380

قَالَ نَكِّرُوا لَهَا عَرْشَهَا نَنْظُرْ أَتَهْتَدِي أَمْ تَكُونُ مِنَ الَّذِينَ لَا يَهْتَدُونَ41

Nagsabi siya: "Magpabalatkayo kayo para sa kanya ng trono niya, titingnan natin kung napapatnubayan ba siya o siya ay kabilang sa mga hindi napapatnubayan."
27:42Juz 19 · p. 380

فَلَمَّا جَاءَتْ قِيلَ أَهَٰكَذَا عَرْشُكِ ۖ قَالَتْ كَأَنَّهُ هُوَ ۚ وَأُوتِينَا الْعِلْمَ مِنْ قَبْلِهَا وَكُنَّا مُسْلِمِينَ42

Kaya noong dumating siya ay sinabi: "Ganito ba ang trono mo?" Nagsabi siya: "Para bang ito ay iyon." [Nagsabi si Solomon]: "Binigyan kami ng kaalaman bago niya at kami ay dati na kaming mga tagapagpasakop."
27:43Juz 19 · p. 380

وَصَدَّهَا مَا كَانَتْ تَعْبُدُ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ إِنَّهَا كَانَتْ مِنْ قَوْمٍ كَافِرِينَ43

Bumalakid sa kanya ang dati nang sinasamba niya bukod pa kay Allāh. Tunay na siya dati ay kabilang sa mga taong tagatangging sumampalataya.
27:44Juz 19 · p. 380

قِيلَ لَهَا ادْخُلِي الصَّرْحَ ۖ فَلَمَّا رَأَتْهُ حَسِبَتْهُ لُجَّةً وَكَشَفَتْ عَنْ سَاقَيْهَا ۚ قَالَ إِنَّهُ صَرْحٌ مُمَرَّدٌ مِنْ قَوَارِيرَ ۗ قَالَتْ رَبِّ إِنِّي ظَلَمْتُ نَفْسِي وَأَسْلَمْتُ مَعَ سُلَيْمَانَ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ44

Sinabi sa kanya: "Pumasok ka sa palasyo." Kaya noong nakita niya ito, nag-akala siyang ito ay isang lawa at naglantad siya ng mga lulod niya. Nagsabi [si Solomon]: "Tunay na ito ay isang palasyong pinakintaban ng inilatag na mga salamin. Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko. Nagpasakop ako kasama kay Solomon kay Allāh ang Panginoon ng mga nilalang."
27:45Juz 19 · p. 381

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا إِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ فَإِذَا هُمْ فَرِيقَانِ يَخْتَصِمُونَ45

Talaga ngang nagsugo Kami sa Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh," at biglang sila ay dalawang pangkat na nag-aalitan.
27:46Juz 19 · p. 381

قَالَ يَا قَوْمِ لِمَ تَسْتَعْجِلُونَ بِالسَّيِّئَةِ قَبْلَ الْحَسَنَةِ ۖ لَوْلَا تَسْتَغْفِرُونَ اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ46

Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, bakit kayo nagmamadali sa masagwa bago ng maganda? Bakit nga ba hindi kayo humihingi ng tawad kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan?"
27:47Juz 19 · p. 381

قَالُوا اطَّيَّرْنَا بِكَ وَبِمَنْ مَعَكَ ۚ قَالَ طَائِرُكُمْ عِنْدَ اللَّهِ ۖ بَلْ أَنْتُمْ قَوْمٌ تُفْتَنُونَ47

Nagsabi sila: "Nagmasamang-pangitain kami sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo." Nagsabi siya: "Ang masamang pangitain ninyo ay nasa ganang kay Allāh, bagkus kayo ay mga taong tinutukso."
27:48Juz 19 · p. 381

وَكَانَ فِي الْمَدِينَةِ تِسْعَةُ رَهْطٍ يُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ وَلَا يُصْلِحُونَ48

Dati sa lungsod ay may siyam na lalaking nanggugulo sa lupain at hindi nagsasaayos.
27:49Juz 19 · p. 381

قَالُوا تَقَاسَمُوا بِاللَّهِ لَنُبَيِّتَنَّهُ وَأَهْلَهُ ثُمَّ لَنَقُولَنَّ لِوَلِيِّهِ مَا شَهِدْنَا مَهْلِكَ أَهْلِهِ وَإِنَّا لَصَادِقُونَ49

Nagsabi sila: "Magsumpaan kayo kay Allāh na talagang papatay nga tayo sa gabi sa kanya at sa mag-anak niya, pagkatapos ay talagang magsasabi nga tayo sa katangkilik niya: "Hindi kami nakasaksi sa nagpahamak sa mag-anak niya. Tunay na kami ay talagang mga tapat."
27:50Juz 19 · p. 381

وَمَكَرُوا مَكْرًا وَمَكَرْنَا مَكْرًا وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ50

Nanlansi sila ng isang panlalansi at nanlansi Kami ng isang panlalansi samantalang sila ay hindi nakararamdam.
27:51Juz 19 · p. 381

فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ مَكْرِهِمْ أَنَّا دَمَّرْنَاهُمْ وَقَوْمَهُمْ أَجْمَعِينَ51

Kaya tingnan mo kung papaano naging ang kinahinatnan ng panlalansi nila, na Kami ay nagwasak sa kanila at sa mga tao nila nang magkakasama.
27:52Juz 19 · p. 381

فَتِلْكَ بُيُوتُهُمْ خَاوِيَةً بِمَا ظَلَمُوا ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ52

Kaya ang mga iyon ay ang mga bahay nila, hungkag dahil sa lumabag sila sa katarungan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
27:53Juz 19 · p. 381

وَأَنْجَيْنَا الَّذِينَ آمَنُوا وَكَانُوا يَتَّقُونَ53

Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at dati na silang nangingilag magkasala.
27:54Juz 19 · p. 381

وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ أَتَأْتُونَ الْفَاحِشَةَ وَأَنْتُمْ تُبْصِرُونَ54

[Bumanggit ka] kay Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Pumupunta ba kayo sa mahalay samantalang kayo ay nakakikita?"
27:55Juz 19 · p. 381

أَئِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الرِّجَالَ شَهْوَةً مِنْ دُونِ النِّسَاءِ ۚ بَلْ أَنْتُمْ قَوْمٌ تَجْهَلُونَ55

Tunay na kayo ba ay pumupunta sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae? Bagkus kayo ay mga taong nagpakamangmang.
27:56Juz 20 · p. 382

۞ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَنْ قَالُوا أَخْرِجُوا آلَ لُوطٍ مِنْ قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌ يَتَطَهَّرُونَ56

Walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Palabasin ninyo ang mag-anak ni Lot mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakalinis."
27:57Juz 20 · p. 382

فَأَنْجَيْنَاهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ قَدَّرْنَاهَا مِنَ الْغَابِرِينَ57

Kaya iniligtas Namin siya at ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya; itinakda Namin ito na kabilang sa mga nagpaiwan.
27:58Juz 20 · p. 382

وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ مَطَرًا ۖ فَسَاءَ مَطَرُ الْمُنْذَرِينَ58

Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan at sumaklap ang ulan sa mga binalaan.
27:59Juz 20 · p. 382

قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ وَسَلَامٌ عَلَىٰ عِبَادِهِ الَّذِينَ اصْطَفَىٰ ۗ آللَّهُ خَيْرٌ أَمَّا يُشْرِكُونَ59

Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh at kapayapaan ay sa mga lingkod Niyang hinirang Niya. Si Allāh ba ay higit na mabuti o ang anumang itinatambal ninyo?
27:60Juz 20 · p. 382

أَمَّنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَأَنْزَلَ لَكُمْ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنْبَتْنَا بِهِ حَدَائِقَ ذَاتَ بَهْجَةٍ مَا كَانَ لَكُمْ أَنْ تُنْبِتُوا شَجَرَهَا ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ يَعْدِلُونَ60

O ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa para sa inyo mula sa langit ng tubig kaya nagpatubo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may rikit na hindi nangyaring ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga puno ng mga iyon ay isang diyos bang kasama kay Allāh? Bagkus sila ay mga taong may ipinapantay [sa Kanya].
27:61Juz 20 · p. 382

أَمَّنْ جَعَلَ الْأَرْضَ قَرَارًا وَجَعَلَ خِلَالَهَا أَنْهَارًا وَجَعَلَ لَهَا رَوَاسِيَ وَجَعَلَ بَيْنَ الْبَحْرَيْنِ حَاجِزًا ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ61

O ang naglagay ba sa lupa ng isang pamamalagian, naglalagay sa gitna nito ng mga ilog, naglagay para rito ng mga matatag na bundok, at naglagay sa pagitan ng dalawang dagat ng isang harang ay isang diyos bang kasama kay Allāh? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

أَمَّنْ يُجِيبُ الْمُضْطَرَّ إِذَا دَعَاهُ وَيَكْشِفُ السُّوءَ وَيَجْعَلُكُمْ خُلَفَاءَ الْأَرْضِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ قَلِيلًا مَا تَذَكَّرُونَ62

O ang tumutugon ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan, at gumagawa sa inyo na mga kahalili sa lupa ay isang diyos bang kasama kay Allāh? Madalang kayong nag-aalaala.
27:63Juz 20 · p. 382

أَمَّنْ يَهْدِيكُمْ فِي ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَمَنْ يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ تَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ63

O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, at ang nagsusugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak sa harap ng awa Niya ay isang diyos bang kasama kay Allāh? Pagkataas-taas si Allāh sa anumang itinatambal nila.
27:64Juz 20 · p. 383

أَمَّنْ يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ وَمَنْ يَرْزُقُكُمْ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ64

O ang nagpapasimula sa paglikha pagkatapos ay nag-uulit nito at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa ay isang diyos ba na kasama ni Allāh?" Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat."
27:65Juz 20 · p. 383

قُلْ لَا يَعْلَمُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ الْغَيْبَ إِلَّا اللَّهُ ۚ وَمَا يَشْعُرُونَ أَيَّانَ يُبْعَثُونَ65

Sabihin mo: "Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang Lingid maliban kay Allāh, at hindi nila nararamdaman kung kailan sila bubuhayin."
27:66Juz 20 · p. 383

بَلِ ادَّارَكَ عِلْمُهُمْ فِي الْآخِرَةِ ۚ بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ مِنْهَا ۖ بَلْ هُمْ مِنْهَا عَمُونَ66

Bagkus natapos ang kaalaman nila sa Kabilang-buhay. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa hinggil doon. Bagkus sila hinggil doon ay mga bulag.
27:67Juz 20 · p. 383

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَإِذَا كُنَّا تُرَابًا وَآبَاؤُنَا أَئِنَّا لَمُخْرَجُونَ67

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Kapag kami ay naging alabok at [gayon din] ang mga magulang namin, tunay na kami ba ay talagang mga palalabasin [sa mga libingan]?
27:68Juz 20 · p. 383

لَقَدْ وُعِدْنَا هَٰذَا نَحْنُ وَآبَاؤُنَا مِنْ قَبْلُ إِنْ هَٰذَا إِلَّا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ68

Talaga ngang pinangakuan nito Kami mismo at ang mga magulang namin bago pa man. Walang iba ito kundi ang mga alamat ng mga sinauna."
27:69Juz 20 · p. 383

قُلْ سِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُجْرِمِينَ69

Sabihin mo: "Humayo kayo sa lupa, at tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling."
27:70Juz 20 · p. 383

وَلَا تَحْزَنْ عَلَيْهِمْ وَلَا تَكُنْ فِي ضَيْقٍ مِمَّا يَمْكُرُونَ70

Huwag kang malungkot sa kanila at huwag kang maging nasa isang paninikip mula sa anumang ipinakakana nila.
27:71Juz 20 · p. 383

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ71

Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat?"
27:72Juz 20 · p. 383

قُلْ عَسَىٰ أَنْ يَكُونَ رَدِفَ لَكُمْ بَعْضُ الَّذِي تَسْتَعْجِلُونَ72

Sabihin mo: "Marahil nangyayaring napalapit para sa inyo ang ilan sa minamadali ninyo."
27:73Juz 20 · p. 383

وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَشْكُرُونَ73

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat.
27:74Juz 20 · p. 383

وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَعْلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمْ وَمَا يُعْلِنُونَ74

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nakaaalam sa anumang kinikimkim ng mga dibdib nila at anumang inihahayag nila.
27:75Juz 20 · p. 383

وَمَا مِنْ غَائِبَةٍ فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ75

Walang anumang nakalingid sa langit at lupa malibang nasa isang talaang malinaw.
27:76Juz 20 · p. 383

إِنَّ هَٰذَا الْقُرْآنَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَكْثَرَ الَّذِي هُمْ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ76

Tunay na itong Qur’ān ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa bagay na sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
27:77Juz 20 · p. 384

وَإِنَّهُ لَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِلْمُؤْمِنِينَ77

Tunay na ito ay talagang isang patnubay at isang awa para sa mga mananampalataya.
27:78Juz 20 · p. 384

إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِي بَيْنَهُمْ بِحُكْمِهِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْعَلِيمُ78

Tunay na ang Panginoon mo ay huhusga sa pagitan nila sa pamamagitan ng kahatulan Niya. Siya ang Makapangyarihan, ang Maalam.
27:79Juz 20 · p. 384

فَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۖ إِنَّكَ عَلَى الْحَقِّ الْمُبِينِ79

Kaya manalig ka kay Allāh; tunay na ikaw ay nasa katotohanang malinaw.
27:80Juz 20 · p. 384

إِنَّكَ لَا تُسْمِعُ الْمَوْتَىٰ وَلَا تُسْمِعُ الصُّمَّ الدُّعَاءَ إِذَا وَلَّوْا مُدْبِرِينَ80

Tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay at hindi nakapagpaparinig sa mga bingi ng panawagan kapag bumaling sila na mga tumatalikod.
27:81Juz 20 · p. 384

وَمَا أَنْتَ بِهَادِي الْعُمْيِ عَنْ ضَلَالَتِهِمْ ۖ إِنْ تُسْمِعُ إِلَّا مَنْ يُؤْمِنُ بِآيَاتِنَا فَهُمْ مُسْلِمُونَ81

Ikaw ay hindi tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa kaligawan nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop.
27:82Juz 20 · p. 384

۞ وَإِذَا وَقَعَ الْقَوْلُ عَلَيْهِمْ أَخْرَجْنَا لَهُمْ دَابَّةً مِنَ الْأَرْضِ تُكَلِّمُهُمْ أَنَّ النَّاسَ كَانُوا بِآيَاتِنَا لَا يُوقِنُونَ82

Kapag naganap ang sabi sa kanila, magpapalabas Kami para sa kanila ng isang hayop mula sa lupa na kakausap sa kanila, na ang mga tao noon sa mga tanda Namin ay hindi nakatitiyak.
27:83Juz 20 · p. 384

وَيَوْمَ نَحْشُرُ مِنْ كُلِّ أُمَّةٍ فَوْجًا مِمَّنْ يُكَذِّبُ بِآيَاتِنَا فَهُمْ يُوزَعُونَ83

[Banggitin] ang araw na magtitipon Kami mula sa bawat kalipunan ng isang pulutong kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin at sila ay hinahanay.
27:84Juz 20 · p. 384

حَتَّىٰ إِذَا جَاءُوا قَالَ أَكَذَّبْتُمْ بِآيَاتِي وَلَمْ تُحِيطُوا بِهَا عِلْمًا أَمَّاذَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ84

Hanggang sa nang dumating sila ay magsasabi Siya: "Nagpasinungaling ba kayo sa mga tanda Ko habang hindi kayo nakasaklaw sa mga ito sa kaalaman, o ano ang dati ninyong ginagawa?"
27:85Juz 20 · p. 384

وَوَقَعَ الْقَوْلُ عَلَيْهِمْ بِمَا ظَلَمُوا فَهُمْ لَا يَنْطِقُونَ85

Magaganap ang sabi sa kanila dahil lumabag sila sa katarungan, at sila ay hindi makabibigkas.
27:86Juz 20 · p. 384

أَلَمْ يَرَوْا أَنَّا جَعَلْنَا اللَّيْلَ لِيَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ86

Hindi ba nila nakita na Kami ay gumawa sa gabi upang matiwasay sila roon at sa maghapon upang makakita? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.
27:87Juz 20 · p. 384

وَيَوْمَ يُنْفَخُ فِي الصُّورِ فَفَزِعَ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ إِلَّا مَنْ شَاءَ اللَّهُ ۚ وَكُلٌّ أَتَوْهُ دَاخِرِينَ87

[Banggitin] ang Araw na iihip sa tambuli kaya manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang niloob ni Allāh. Lahat ay pupunta sa Kanya na mga nagpapakaaba.
27:88Juz 20 · p. 384

وَتَرَى الْجِبَالَ تَحْسَبُهَا جَامِدَةً وَهِيَ تَمُرُّ مَرَّ السَّحَابِ ۚ صُنْعَ اللَّهِ الَّذِي أَتْقَنَ كُلَّ شَيْءٍ ۚ إِنَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَفْعَلُونَ88

Nakikita mo ang mga bundok, na inaakala mong ang mga ito ay nakatigil habang ang mga ito ay daraan gaya ng pagdaan ng mga ulap, bilang pagkayari ni Allāh na nagpahusay sa bawat bagay. Tunay na Siya ay Nakababatid sa anumang ginagawa ninyo.
27:89Juz 20 · p. 385

مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ خَيْرٌ مِنْهَا وَهُمْ مِنْ فَزَعٍ يَوْمَئِذٍ آمِنُونَ89

Ang sinumang magdala ng magandang gawa, ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon. Sila mula sa hilakbot sa araw na iyon ay mga matitiwasay.
27:90Juz 20 · p. 385

وَمَنْ جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَكُبَّتْ وُجُوهُهُمْ فِي النَّارِ هَلْ تُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ90

Ang sinumang magdala ng masagwang gawa, isusubsob ang mga mukha nila sa Apoy. [Sasabihin:] "Hindi kayo gagantihan maliban ng anumang dati ninyong ginagawa."
27:91Juz 20 · p. 385

إِنَّمَا أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ رَبَّ هَٰذِهِ الْبَلْدَةِ الَّذِي حَرَّمَهَا وَلَهُ كُلُّ شَيْءٍ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُسْلِمِينَ91

[Sabihin mo]: "Napag-utusan lamang ako na sambahin ko ang Panginoon ng bayang ito, na nagpabanal dito at sa Kanya ang bawat bagay. Napag-utusan ako na ako ay maging kabilang sa mga tagapagpasakop,
27:92Juz 20 · p. 385

وَأَنْ أَتْلُوَ الْقُرْآنَ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَقُلْ إِنَّمَا أَنَا مِنَ الْمُنْذِرِينَ92

at na bigkasin ko ang Qur’ān." Kaya ang sinumang napatnubayan ay napapatnubayan lamang para sa sarili niya. Ang sinumang naligaw ay sabihin mo: "Ako ay kabilang sa mga tagapagbabala lamang."
27:93Juz 20 · p. 385

وَقُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ سَيُرِيكُمْ آيَاتِهِ فَتَعْرِفُونَهَا ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ93

Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh. Magpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya, at makakikilala kayo sa mga ito. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo."

I-play mula sa simula ng surah

Fares Abbad - An-Naml · Tlawati