Surah 27 · Juz 19
An-Naml · 27:15
وَلَقَدْ آتَيْنَا دَاوُودَ وَسُلَيْمَانَ عِلْمًا ۖ وَقَالَا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِيرٍ مِنْ عِبَادِهِ الْمُؤْمِنِينَ
Talaga ngang nagbigay Kami kina David at Solomon ng kaalaman, at nagsabi silang dalawa: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya."
Tafsir
Talaga ngang nagbigay Kami kay David at sa anak niyang si Solomon ng kaalaman, na bahagi nito ang kaalaman sa pakikipag-usap sa mga ibon. Nagsabi sina David at Solomon habang mga nagpapasalamat kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin ng inilaan Niya sa amin na kaalaman at pagkapropeta higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah