Surah 27 · Juz 20
An-Naml · 27:66
بَلِ ادَّارَكَ عِلْمُهُمْ فِي الْآخِرَةِ ۚ بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ مِنْهَا ۖ بَلْ هُمْ مِنْهَا عَمُونَ
Bagkus natapos ang kaalaman nila sa Kabilang-buhay. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa hinggil doon. Bagkus sila hinggil doon ay mga bulag.
Tafsir
O nagkasunud-sunod kaya ang kaalaman nila kaugnay sa Kabilang-buhay saka nakatiyak sila roon? Hindi. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa at isang pagkalito hinggil sa Kabilang-buhay. Bagkus nabulag na ang mga paningin nila mula roon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah