Surah 27 · Juz 20

An-Naml · 27:65

قُلْ لَا يَعْلَمُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ الْغَيْبَ إِلَّا اللَّهُ ۚ وَمَا يَشْعُرُونَ أَيَّانَ يُبْعَثُونَ

Sabihin mo: "Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang Lingid maliban kay Allāh, at hindi nila nararamdaman kung kailan sila bubuhayin."

Tafsir

Sabihin mo, O Sugo: "Hindi nalalaman ang Lingid ng sinumang nasa mga langit na mga anghel ni ng sinumang nasa lupa na mga tao, subalit si Allāh lamang ay ang nakaaalam niyon. Hindi nalalaman ng lahat ng mga nasa mga langit at ng mga nasa lupa kung kailan sila bubuhayin para sa pagganti maliban kay Allāh."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah