Surah 27 · Juz 19

An-Naml · 27:13

فَلَمَّا جَاءَتْهُمْ آيَاتُنَا مُبْصِرَةً قَالُوا هَٰذَا سِحْرٌ مُبِينٌ

Ngunit noong dumating sa kanila ang mga tanda Namin na nakikita ay nagsabi sila: "Ito ay isang panggagaway na malinaw."

Tafsir

Ngunit noong dumating sa kanila nang maliwanag na nakalantad ang mga tanda Naming ito na nag-alalay Kami sa pamamagitan ng mga ito kay Moises, nagsabi sila: "Ang inihatid na ito ni Moises na mga tanda ay isang panggagaway na malinaw."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah