Surah 27 · Juz 19

An-Naml · 27:1

طس ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْقُرْآنِ وَكِتَابٍ مُبِينٍ

Ṭā’. Sīn. Ang mga ito ay ang mga talata ng Qur’ān at ng isang Aklat na malinaw

Tafsir

Ṭā. Sīn. Nauna na ang pagtalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang ito na ibinaba sa iyo ay ang mga talata ng Qur’ān at ng isang Aklat na maliwanag, walang kalituhan dito. Ang sinumang nagbulaybulay rito ay nakaaalam na ito ay mula sa ganang kay Allāh.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah