Surah 27 · Juz 19

An-Naml · 27:32

قَالَتْ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ أَفْتُونِي فِي أَمْرِي مَا كُنْتُ قَاطِعَةً أَمْرًا حَتَّىٰ تَشْهَدُونِ

Nagsabi siya: "O konseho, magpayo kayo sa akin sa usapin ko. Hindi nangyaring ako ay magpapasya ng isang usapin hanggang sa sumaksi kayo sa akin."

Tafsir

Nagsabi ang reyna: "O mga maharlika at mga ginoo, linawin ninyo sa akin ang anyo ng pagkatama sa usapin ko. Hindi nangyaring ako ay maghuhusga sa isang usapin hanggang sa dumalo kayo sa akin at maglantad ng pananaw ninyo hinggil dito."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah