Surah 27 · Juz 20

An-Naml · 27:89

مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ خَيْرٌ مِنْهَا وَهُمْ مِنْ فَزَعٍ يَوْمَئِذٍ آمِنُونَ

Ang sinumang magdala ng magandang gawa, ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon. Sila mula sa hilakbot sa araw na iyon ay mga matitiwasay.

Tafsir

Ang sinumang maghatid sa Araw ng Pagbangon ng pananampalataya at gawang maayos, ukol sa kanya ay ang Paraiso. Sila ay mga matitiwasay dahil sa pagpapatiwasay ni Allāh sa kanila laban sa hilakbot ng Araw ng Pagbangon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah