Ash-Shu'ara

سورة الشعراء

Surah 26 · Makki · 227 mga talata

26:1Juz 19 · p. 367

طسم1

Ṭā. Sīn. Mīm.
26:2Juz 19 · p. 367

تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْمُبِينِ2

Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na naglilinaw.
26:3Juz 19 · p. 367

لَعَلَّكَ بَاخِعٌ نَفْسَكَ أَلَّا يَكُونُوا مُؤْمِنِينَ3

Baka ikaw ay kikitil ng sarili mo na hindi sila maging mga mananampalataya.
26:4Juz 19 · p. 367

إِنْ نَشَأْ نُنَزِّلْ عَلَيْهِمْ مِنَ السَّمَاءِ آيَةً فَظَلَّتْ أَعْنَاقُهُمْ لَهَا خَاضِعِينَ4

Kung niloob Namin ay magpapababa Kami sa kanila mula sa langit ng isang tanda kaya mananatili ang mga leeg nila na mga nakatungo roon.
26:5Juz 19 · p. 367

وَمَا يَأْتِيهِمْ مِنْ ذِكْرٍ مِنَ الرَّحْمَٰنِ مُحْدَثٍ إِلَّا كَانُوا عَنْهُ مُعْرِضِينَ5

Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Napakamaawain, na bagong baba, malibang sila rito ay mga umaayaw.
26:6Juz 19 · p. 367

فَقَدْ كَذَّبُوا فَسَيَأْتِيهِمْ أَنْبَاءُ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ6

Kaya nagpasinungaling nga sila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng anumang dati nilang kinukutya.
26:7Juz 19 · p. 367

أَوَلَمْ يَرَوْا إِلَى الْأَرْضِ كَمْ أَنْبَتْنَا فِيهَا مِنْ كُلِّ زَوْجٍ كَرِيمٍ7

Hindi ba sila nakita sa lupa kung ilan ang pinatubo Namin dito mula sa bawat uring marangal?
26:8Juz 19 · p. 367

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُمْ مُؤْمِنِينَ8

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
26:9Juz 19 · p. 367

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ9

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
26:10Juz 19 · p. 367

وَإِذْ نَادَىٰ رَبُّكَ مُوسَىٰ أَنِ ائْتِ الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ10

[Banggitin] noong nanawagan ang Panginoon mo kay Moises: "Pumunta ka sa mga taong tagalabag ng katarungan,
26:11Juz 19 · p. 367

قَوْمَ فِرْعَوْنَ ۚ أَلَا يَتَّقُونَ11

ang mga tao ni Paraon. Hindi ba sila nangingilag magkasala?"
26:12Juz 19 · p. 367

قَالَ رَبِّ إِنِّي أَخَافُ أَنْ يُكَذِّبُونِ12

Nagsabi ito: "Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin.
26:13Juz 19 · p. 367

وَيَضِيقُ صَدْرِي وَلَا يَنْطَلِقُ لِسَانِي فَأَرْسِلْ إِلَىٰ هَارُونَ13

Maninikip ang dibdib ko at hindi tatatas ang dila ko kaya magsugo Ka papunta kay Aaron.
26:14Juz 19 · p. 367

وَلَهُمْ عَلَيَّ ذَنْبٌ فَأَخَافُ أَنْ يَقْتُلُونِ14

Sa kanila ay mayroon akong pagkakasala, kaya nangangamba ako na patayin nila ako."
26:15Juz 19 · p. 367

قَالَ كَلَّا ۖ فَاذْهَبَا بِآيَاتِنَا ۖ إِنَّا مَعَكُمْ مُسْتَمِعُونَ15

Nagsabi Siya: "Aba’y hindi. Kaya pumunta kayong dalawa dala ang mga tanda Namin. Tunay na Kami, kasama sa inyo, ay makikinig.
26:16Juz 19 · p. 367

فَأْتِيَا فِرْعَوْنَ فَقُولَا إِنَّا رَسُولُ رَبِّ الْعَالَمِينَ16

Kaya pumunta kayong dalawa kay Paraon at magsabi kayong dalawa: Tunay na kami ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang,
26:17Juz 19 · p. 367

أَنْ أَرْسِلْ مَعَنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ17

[na nauutusang] magpadala ka kasama sa amin ng mga anak ni Israel."
26:18Juz 19 · p. 367

قَالَ أَلَمْ نُرَبِّكَ فِينَا وَلِيدًا وَلَبِثْتَ فِينَا مِنْ عُمُرِكَ سِنِينَ18

Nagsabi iyon: "Hindi ba kami nag-alaga sa iyo sa amin noong bata ka pa at nanatili ka sa amin nang ilang taon mula sa buhay mo?
26:19Juz 19 · p. 367

وَفَعَلْتَ فَعْلَتَكَ الَّتِي فَعَلْتَ وَأَنْتَ مِنَ الْكَافِرِينَ19

Gumawa ka ng kagagawan mo na ginawa mo habang ikaw ay kabilang sa mga tumatangging tumanaw ng utang na loob."
26:20Juz 19 · p. 368

قَالَ فَعَلْتُهَا إِذًا وَأَنَا مِنَ الضَّالِّينَ20

Nagsabi siya: "Ginawa ko iyon nang sandaling iyon habang ako ay kabilang sa mga naliligaw.
26:21Juz 19 · p. 368

فَفَرَرْتُ مِنْكُمْ لَمَّا خِفْتُكُمْ فَوَهَبَ لِي رَبِّي حُكْمًا وَجَعَلَنِي مِنَ الْمُرْسَلِينَ21

Kaya tumalilis ako mula sa inyo noong nangamba ako sa inyo. Pagkadaka ay nagkaloob sa akin ang Panginoon ko ng karunungan at gumawa Siya sa akin na kabilang sa mga isinugo.
26:22Juz 19 · p. 368

وَتِلْكَ نِعْمَةٌ تَمُنُّهَا عَلَيَّ أَنْ عَبَّدْتَ بَنِي إِسْرَائِيلَ22

Iyon [ba] ay isang biyayang ipinanunumbat mo sa akin: na nang-alipin ka sa mga anak ni Israel?"
26:23Juz 19 · p. 368

قَالَ فِرْعَوْنُ وَمَا رَبُّ الْعَالَمِينَ23

Nagsabi si Paraon: "At ano ang Panginoon ng mga nilalang?"
26:24Juz 19 · p. 368

قَالَ رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ إِنْ كُنْتُمْ مُوقِنِينَ24

Nagsabi siya: "Ang Panginoon ng mga langit at lupa at ng anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay mga nakatitiyak."
26:25Juz 19 · p. 368

قَالَ لِمَنْ حَوْلَهُ أَلَا تَسْتَمِعُونَ25

Nagsabi iyon sa nakapaligid doon: "Hindi ba kayo nakikinig?"
26:26Juz 19 · p. 368

قَالَ رَبُّكُمْ وَرَبُّ آبَائِكُمُ الْأَوَّلِينَ26

Nagsabi siya: "Ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga ninuno ninyong sinauna."
26:27Juz 19 · p. 368

قَالَ إِنَّ رَسُولَكُمُ الَّذِي أُرْسِلَ إِلَيْكُمْ لَمَجْنُونٌ27

Nagsabi iyon: "Tunay na ang sugo ninyo na isinugo sa inyo ay talagang baliw."
26:28Juz 19 · p. 368

قَالَ رَبُّ الْمَشْرِقِ وَالْمَغْرِبِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْقِلُونَ28

Nagsabi siya: "Ang Panginoon ng silangan at kanluran at ng anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay nakauunawa."
26:29Juz 19 · p. 368

قَالَ لَئِنِ اتَّخَذْتَ إِلَٰهًا غَيْرِي لَأَجْعَلَنَّكَ مِنَ الْمَسْجُونِينَ29

Nagsabi iyon: "Talagang kung gumawa ka ng isang diyos na iba pa sa akin ay talagang gagawa nga ako sa iyo na kabilang sa mga ibinilanggo."
26:30Juz 19 · p. 368

قَالَ أَوَلَوْ جِئْتُكَ بِشَيْءٍ مُبِينٍ30

Nagsabi siya: "At kahit pa ba nagdala ako sa iyo ng isang bagay na malinaw?"
26:31Juz 19 · p. 368

قَالَ فَأْتِ بِهِ إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ31

Nagsabi iyon: "Kaya maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat."
26:32Juz 19 · p. 368

فَأَلْقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعْبَانٌ مُبِينٌ32

Kaya nagpukol siya ng tungkod niya at biglang ito ay isang ulupong na malinaw.
26:33Juz 19 · p. 368

وَنَزَعَ يَدَهُ فَإِذَا هِيَ بَيْضَاءُ لِلنَّاظِرِينَ33

Hinugot niya ang kamay niya at biglaang ito ay naging maputi para sa mga tagatingin.
26:34Juz 19 · p. 368

قَالَ لِلْمَلَإِ حَوْلَهُ إِنَّ هَٰذَا لَسَاحِرٌ عَلِيمٌ34

Nagsabi iyon sa konseho sa paligid niyon: "Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.
26:35Juz 19 · p. 368

يُرِيدُ أَنْ يُخْرِجَكُمْ مِنْ أَرْضِكُمْ بِسِحْرِهِ فَمَاذَا تَأْمُرُونَ35

Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway niya kaya ano ang ipag-uutos ninyo?"
26:36Juz 19 · p. 368

قَالُوا أَرْجِهْ وَأَخَاهُ وَابْعَثْ فِي الْمَدَائِنِ حَاشِرِينَ36

Nagsabi sila: "Mag-antala ka sa kanya at kapatid niya at magsugo ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,
26:37Juz 19 · p. 368

يَأْتُوكَ بِكُلِّ سَحَّارٍ عَلِيمٍ37

magdadala sila sa iyo ng bawat mapanggaway na maalam."
26:38Juz 19 · p. 368

فَجُمِعَ السَّحَرَةُ لِمِيقَاتِ يَوْمٍ مَعْلُومٍ38

Kaya kinalap ang mga manggagaway para sa itinakdang oras ng isang araw na nalalaman.
26:39Juz 19 · p. 368

وَقِيلَ لِلنَّاسِ هَلْ أَنْتُمْ مُجْتَمِعُونَ39

Sinabi sa mga tao: "Kayo ba ay mga magtitipon?
26:40Juz 19 · p. 369

لَعَلَّنَا نَتَّبِعُ السَّحَرَةَ إِنْ كَانُوا هُمُ الْغَالِبِينَ40

Nang sa gayon tayo ay susunod sa mga manggagaway kung sila ay ang mga mananaig."
26:41Juz 19 · p. 369

فَلَمَّا جَاءَ السَّحَرَةُ قَالُوا لِفِرْعَوْنَ أَئِنَّ لَنَا لَأَجْرًا إِنْ كُنَّا نَحْنُ الْغَالِبِينَ41

Kaya noong dumating na ang mga manggagaway ay nagsabi sila kay Paraon: "Tunay ba na mayroon kaming pabuya kung kami ay ang mga tagapanaig?"
26:42Juz 19 · p. 369

قَالَ نَعَمْ وَإِنَّكُمْ إِذًا لَمِنَ الْمُقَرَّبِينَ42

Nagsabi iyon: "Oo, at tunay na kayo samakatuwid ay talagang kabilang sa mga pinalapit [sa akin]."
26:43Juz 19 · p. 369

قَالَ لَهُمْ مُوسَىٰ أَلْقُوا مَا أَنْتُمْ مُلْقُونَ43

Nagsabi sa kanila si Moises: "Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol."
26:44Juz 19 · p. 369

فَأَلْقَوْا حِبَالَهُمْ وَعِصِيَّهُمْ وَقَالُوا بِعِزَّةِ فِرْعَوْنَ إِنَّا لَنَحْنُ الْغَالِبُونَ44

Kaya pumukol sila ng mga lubid nila at mga tungkod nila at nagsabi sila: "Sumpa man sa kapangyarihan ni Paraon, tunay na kami, talagang kami, ay ang mga tagapanaig."
26:45Juz 19 · p. 369

فَأَلْقَىٰ مُوسَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ تَلْقَفُ مَا يَأْفِكُونَ45

Kaya pumukol si Moises ng tungkod niya at biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila.
26:46Juz 19 · p. 369

فَأُلْقِيَ السَّحَرَةُ سَاجِدِينَ46

Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa.
26:47Juz 19 · p. 369

قَالُوا آمَنَّا بِرَبِّ الْعَالَمِينَ47

Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang,
26:48Juz 19 · p. 369

رَبِّ مُوسَىٰ وَهَارُونَ48

ang Panginoon nina Moises at Aaron."
26:49Juz 19 · p. 369

قَالَ آمَنْتُمْ لَهُ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّهُ لَكَبِيرُكُمُ الَّذِي عَلَّمَكُمُ السِّحْرَ فَلَسَوْفَ تَعْلَمُونَ ۚ لَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُمْ مِنْ خِلَافٍ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمْ أَجْمَعِينَ49

Nagsabi iyon: "Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya talagang malalaman ninyo. Talagang magpuputul-putol nga ako sa mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan at talagang magbibitin nga ako sa inyo sa kalahatan."
26:50Juz 19 · p. 369

قَالُوا لَا ضَيْرَ ۖ إِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا مُنْقَلِبُونَ50

Nagsabi sila: "Walang kapinsalaan; tunay na kami ay sa Panginoon namin mga manunumbalik.
26:51Juz 19 · p. 369

إِنَّا نَطْمَعُ أَنْ يَغْفِرَ لَنَا رَبُّنَا خَطَايَانَا أَنْ كُنَّا أَوَّلَ الْمُؤْمِنِينَ51

Tunay na kami ay nagmimithi na magpatawad sa amin ang Panginoon namin sa mga pagkakamali namin dahil kami ay naging una sa mga mananampalataya."
26:52Juz 19 · p. 369

۞ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ أَنْ أَسْرِ بِعِبَادِي إِنَّكُمْ مُتَّبَعُونَ52

Nagkasi Kami kay Moises: "Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod Ko; tunay na kayo ay mga susundan."
26:53Juz 19 · p. 369

فَأَرْسَلَ فِرْعَوْنُ فِي الْمَدَائِنِ حَاشِرِينَ53

Kaya nagsugo si Paraon sa mga lungsod ng mga tagakalap, [na nagsasabi]:
26:54Juz 19 · p. 369

إِنَّ هَٰؤُلَاءِ لَشِرْذِمَةٌ قَلِيلُونَ54

"Tunay na ang mga ito ay talagang isang kawang kakaunti.
26:55Juz 19 · p. 369

وَإِنَّهُمْ لَنَا لَغَائِظُونَ55

Tunay na sila sa atin ay talagang mga nagpapangitngit.
26:56Juz 19 · p. 369

وَإِنَّا لَجَمِيعٌ حَاذِرُونَ56

Tunay na tayo ay talagang isang katipunang nag-iingat."
26:57Juz 19 · p. 369

فَأَخْرَجْنَاهُمْ مِنْ جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ57

Kaya nagpalabas Kami sa kanila mula sa mga hardin at mga bukal,
26:58Juz 19 · p. 369

وَكُنُوزٍ وَمَقَامٍ كَرِيمٍ58

at mga kayamanan at pinananatilihang marangal.
26:59Juz 19 · p. 369

كَذَٰلِكَ وَأَوْرَثْنَاهَا بَنِي إِسْرَائِيلَ59

Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga anak ni Israel.
26:60Juz 19 · p. 369

فَأَتْبَعُوهُمْ مُشْرِقِينَ60

Kaya sumunod ang mga iyon sa kanila nang sumisikat [ang araw].
26:61Juz 19 · p. 370

فَلَمَّا تَرَاءَى الْجَمْعَانِ قَالَ أَصْحَابُ مُوسَىٰ إِنَّا لَمُدْرَكُونَ61

Kaya noong nagkakitaan ang dalawang pangkat, nagsabi ang mga kasamahan ni Moises: "Tunay na tayo ay talagang mga maaabutan."
26:62Juz 19 · p. 370

قَالَ كَلَّا ۖ إِنَّ مَعِيَ رَبِّي سَيَهْدِينِ62

Nagsabi siya: "Aba’y hindi, tunay na kasama sa akin ang Panginoon ko; magpapatnubay Siya sa akin."
26:63Juz 19 · p. 370

فَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ أَنِ اضْرِبْ بِعَصَاكَ الْبَحْرَ ۖ فَانْفَلَقَ فَكَانَ كُلُّ فِرْقٍ كَالطَّوْدِ الْعَظِيمِ63

Kaya nagkasi Kami kay Moises: "Hampasin mo ng tungkod mo ang dagat." Kaya nabiyak iyon at ang bawat bahagi ay naging gaya ng bundok na malaki.
26:64Juz 19 · p. 370

وَأَزْلَفْنَا ثَمَّ الْآخَرِينَ64

Inilapit Namin doon ang mga iba pa.
26:65Juz 19 · p. 370

وَأَنْجَيْنَا مُوسَىٰ وَمَنْ مَعَهُ أَجْمَعِينَ65

Iniligtas Namin si Moises at ang sinumang kasama sa kanya nang magkakasama.
26:66Juz 19 · p. 370

ثُمَّ أَغْرَقْنَا الْآخَرِينَ66

Pagkatapos ay nilunod Namin ang mga iba pa.
26:67Juz 19 · p. 370

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُمْ مُؤْمِنِينَ67

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
26:68Juz 19 · p. 370

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ68

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
26:69Juz 19 · p. 370

وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ إِبْرَاهِيمَ69

Bumigkas ka sa kanila ng balita kay Abraham,
26:70Juz 19 · p. 370

إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ مَا تَعْبُدُونَ70

noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang sinasamba ninyo?"
26:71Juz 19 · p. 370

قَالُوا نَعْبُدُ أَصْنَامًا فَنَظَلُّ لَهَا عَاكِفِينَ71

Nagsabi sila: "Sumasamba kami sa mga anito at nananatili kami sa mga ito na mga namimintuho."
26:72Juz 19 · p. 370

قَالَ هَلْ يَسْمَعُونَكُمْ إِذْ تَدْعُونَ72

Nagsabi siya: "Nakaririnig ba sila sa inyo kapag dumadalangin kayo?
26:73Juz 19 · p. 370

أَوْ يَنْفَعُونَكُمْ أَوْ يَضُرُّونَ73

O nakapagpapakinabang ba sila sa inyo o nakapipinsala ba sila?"
26:74Juz 19 · p. 370

قَالُوا بَلْ وَجَدْنَا آبَاءَنَا كَذَٰلِكَ يَفْعَلُونَ74

Nagsabi sila: "Bagkus nakatagpo kami sa mga magulang namin na gumagawa ng gayon."
26:75Juz 19 · p. 370

قَالَ أَفَرَأَيْتُمْ مَا كُنْتُمْ تَعْبُدُونَ75

Nagsabi siya: "Kaya nakakita ba kayo sa anumang dati pa kayo sumasamba:
26:76Juz 19 · p. 370

أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمُ الْأَقْدَمُونَ76

kayo at ang mga ninuno ninyong pinakanauna?
26:77Juz 19 · p. 370

فَإِنَّهُمْ عَدُوٌّ لِي إِلَّا رَبَّ الْعَالَمِينَ77

Tunay na sila ay kaaway para sa akin, maliban sa Panginoon ng mga nilalang,
26:78Juz 19 · p. 370

الَّذِي خَلَقَنِي فَهُوَ يَهْدِينِ78

na lumikha sa akin at Siya ay nagpapatnubay sa akin;
26:79Juz 19 · p. 370

وَالَّذِي هُوَ يُطْعِمُنِي وَيَسْقِينِ79

na Siya ay nagpapakain sa akin at nagpapainom sa akin;
26:81Juz 19 · p. 370

وَالَّذِي يُمِيتُنِي ثُمَّ يُحْيِينِ81

na magbibigay-kamatayan sa akin, pagkatapos ay magbibigay-buhay sa akin;
26:82Juz 19 · p. 370

وَالَّذِي أَطْمَعُ أَنْ يَغْفِرَ لِي خَطِيئَتِي يَوْمَ الدِّينِ82

na nagmimithi ako na magpatawad Siya sa akin sa mga kamalian ko sa Araw ng Paggantimpala.
26:83Juz 19 · p. 370

رَبِّ هَبْ لِي حُكْمًا وَأَلْحِقْنِي بِالصَّالِحِينَ83

Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin ng karunungan at magsama Ka sa akin sa mga maayos.
26:84Juz 19 · p. 371

وَاجْعَلْ لِي لِسَانَ صِدْقٍ فِي الْآخِرِينَ84

Gumawa Ka para sa akin ng isang magandang pagbanggit sa mga huling [salinlahi].
26:85Juz 19 · p. 371

وَاجْعَلْنِي مِنْ وَرَثَةِ جَنَّةِ النَّعِيمِ85

Gumawa Ka sa akin na kabilang sa mga tagapagmana ng Paraiso ng Ginhawa.
26:86Juz 19 · p. 371

وَاغْفِرْ لِأَبِي إِنَّهُ كَانَ مِنَ الضَّالِّينَ86

Magpatawad Ka sa ama ko; tunay na siya noon ay kabilang sa mga naliligaw.
26:87Juz 19 · p. 371

وَلَا تُخْزِنِي يَوْمَ يُبْعَثُونَ87

Huwag Kang magpahiya sa akin sa araw na bubuhayin sila:
26:88Juz 19 · p. 371

يَوْمَ لَا يَنْفَعُ مَالٌ وَلَا بَنُونَ88

sa Araw na hindi makapagpapakinabang ang yaman ni ang mga anak,
26:89Juz 19 · p. 371

إِلَّا مَنْ أَتَى اللَّهَ بِقَلْبٍ سَلِيمٍ89

maliban sa sinumang pumunta kay Allāh nang may pusong ligtas.
26:90Juz 19 · p. 371

وَأُزْلِفَتِ الْجَنَّةُ لِلْمُتَّقِينَ90

Ilalapit ang Paraiso sa mga tagapangilag sa pagkakasala.
26:91Juz 19 · p. 371

وَبُرِّزَتِ الْجَحِيمُ لِلْغَاوِينَ91

Itatanghal ang Impiyernong apoy sa mga nalilisya.
26:92Juz 19 · p. 371

وَقِيلَ لَهُمْ أَيْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْبُدُونَ92

Sasabihin sa kanila: "Nasaan na ang anumang dati ninyong sinasamba
26:93Juz 19 · p. 371

مِنْ دُونِ اللَّهِ هَلْ يَنْصُرُونَكُمْ أَوْ يَنْتَصِرُونَ93

bukod pa kay Allāh? Mag-aadya ba sila sa inyo o maiaadya sila?
26:94Juz 19 · p. 371

فَكُبْكِبُوا فِيهَا هُمْ وَالْغَاوُونَ94

Ibubulid sila nang pasubsob doon, sila at ang mga nalilisya,
26:95Juz 19 · p. 371

وَجُنُودُ إِبْلِيسَ أَجْمَعُونَ95

at ang mga kawal ni Satanas, na magkakasama.
26:96Juz 19 · p. 371

قَالُوا وَهُمْ فِيهَا يَخْتَصِمُونَ96

Magsasabi sila habang sila roon ay nag-aalitan:
26:97Juz 19 · p. 371

تَاللَّهِ إِنْ كُنَّا لَفِي ضَلَالٍ مُبِينٍ97

"Sumpa man kay Allāh, tunay na kami dati ay nasa isang pagkaligaw na malinaw,
26:98Juz 19 · p. 371

إِذْ نُسَوِّيكُمْ بِرَبِّ الْعَالَمِينَ98

noong nagpapantay kami sa inyo sa Panginoon ng mga nilalang.
26:99Juz 19 · p. 371

وَمَا أَضَلَّنَا إِلَّا الْمُجْرِمُونَ99

Walang nagpaligaw sa amin kundi ang mga salarin.
26:100Juz 19 · p. 371

فَمَا لَنَا مِنْ شَافِعِينَ100

Kaya wala kaming anumang mga tagapamagitan,
26:101Juz 19 · p. 371

وَلَا صَدِيقٍ حَمِيمٍ101

ni kaibigang malapit.
26:102Juz 19 · p. 371

فَلَوْ أَنَّ لَنَا كَرَّةً فَنَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ102

Kaya kung sakaling mayroon kaming pagbabalik, kami ay magiging kabilang sa mga mananampalataya.
26:103Juz 19 · p. 371

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُمْ مُؤْمِنِينَ103

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
26:104Juz 19 · p. 371

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ104

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
26:105Juz 19 · p. 371

كَذَّبَتْ قَوْمُ نُوحٍ الْمُرْسَلِينَ105

Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo,
26:106Juz 19 · p. 371

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ نُوحٌ أَلَا تَتَّقُونَ106

noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Noe: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
26:107Juz 19 · p. 371

إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ107

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.
26:108Juz 19 · p. 371

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ108

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
26:109Juz 19 · p. 371

وَمَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ الْعَالَمِينَ109

Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
26:110Juz 19 · p. 371

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ110

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
26:111Juz 19 · p. 371

۞ قَالُوا أَنُؤْمِنُ لَكَ وَاتَّبَعَكَ الْأَرْذَلُونَ111

Nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa iyo samantalang sumunod sa iyo ang mga pinakahamak?"
26:112Juz 19 · p. 372

قَالَ وَمَا عِلْمِي بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ112

Nagsabi siya: "At ano ang kaalaman ko sa anumang dati nilang ginagawa?
26:113Juz 19 · p. 372

إِنْ حِسَابُهُمْ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّي ۖ لَوْ تَشْعُرُونَ113

Walang iba ang pagtutuos sa kanila kundi nasa Panginoon ko, kung sakaling nakararamdam kayo.
26:114Juz 19 · p. 372

وَمَا أَنَا بِطَارِدِ الْمُؤْمِنِينَ114

Ako ay hindi magtataboy sa mga mananampalataya.
26:115Juz 19 · p. 372

إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ مُبِينٌ115

Walang iba ako kundi isang tagapagbabalang malinaw."
26:116Juz 19 · p. 372

قَالُوا لَئِنْ لَمْ تَنْتَهِ يَا نُوحُ لَتَكُونَنَّ مِنَ الْمَرْجُومِينَ116

Nagsabi sila: "Talagang kung hindi ka titigil, O Noe, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga babatuhin."
26:117Juz 19 · p. 372

قَالَ رَبِّ إِنَّ قَوْمِي كَذَّبُونِ117

Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay nagpasinungaling sa akin.
26:118Juz 19 · p. 372

فَافْتَحْ بَيْنِي وَبَيْنَهُمْ فَتْحًا وَنَجِّنِي وَمَنْ مَعِيَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ118

Kaya humusga Ka sa pagitan ko at nila ng isang paghuhusga at magligtas Ka sa akin at sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya."
26:119Juz 19 · p. 372

فَأَنْجَيْنَاهُ وَمَنْ مَعَهُ فِي الْفُلْكِ الْمَشْحُونِ119

Kaya naman iniligtas Namin siya at ang sinumang kasama sa kanya sa daong na nilulanan.
26:120Juz 19 · p. 372

ثُمَّ أَغْرَقْنَا بَعْدُ الْبَاقِينَ120

Pagkatapos ay nilunod Namin, matapos niyon, ang mga naiiwan.
26:121Juz 19 · p. 372

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُمْ مُؤْمِنِينَ121

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
26:122Juz 19 · p. 372

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ122

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
26:123Juz 19 · p. 372

كَذَّبَتْ عَادٌ الْمُرْسَلِينَ123

Nagpasinungaling ang `Ād sa mga isinugo
26:124Juz 19 · p. 372

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ هُودٌ أَلَا تَتَّقُونَ124

noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Hūd: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
26:125Juz 19 · p. 372

إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ125

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.
26:126Juz 19 · p. 372

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ126

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
26:127Juz 19 · p. 372

وَمَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ الْعَالَمِينَ127

Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
26:128Juz 19 · p. 372

أَتَبْنُونَ بِكُلِّ رِيعٍ آيَةً تَعْبَثُونَ128

Nagpapatayo ba kayo sa bawat mataas na pook ng isang tanda, na gumagawa kayo ng walang-kabuluhan,
26:129Juz 19 · p. 372

وَتَتَّخِذُونَ مَصَانِعَ لَعَلَّكُمْ تَخْلُدُونَ129

at gumagawa kayo ng mga muog nang sa gayon kayo ay mananatili?
26:130Juz 19 · p. 372

وَإِذَا بَطَشْتُمْ بَطَشْتُمْ جَبَّارِينَ130

Kapag dumaluhong kayo ay dumadaluhong kayo gaya ng mga maniniil.
26:131Juz 19 · p. 372

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ131

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
26:132Juz 19 · p. 372

وَاتَّقُوا الَّذِي أَمَدَّكُمْ بِمَا تَعْلَمُونَ132

Mangilag kayong magkasala sa Kanya na nagkaloob sa inyo ng nalalaman ninyo.
26:133Juz 19 · p. 372

أَمَدَّكُمْ بِأَنْعَامٍ وَبَنِينَ133

Nagkaloob sa inyo ng mga hayupan at mga anak,
26:134Juz 19 · p. 372

وَجَنَّاتٍ وَعُيُونٍ134

at ng mga hardin at mga bukal.
26:135Juz 19 · p. 372

إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ135

Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.
26:136Juz 19 · p. 372

قَالُوا سَوَاءٌ عَلَيْنَا أَوَعَظْتَ أَمْ لَمْ تَكُنْ مِنَ الْوَاعِظِينَ136

Nagsabi sila: "Magkatulad sa amin: nangaral ka o hindi ka naging kabilang sa mga tagapangaral.
26:137Juz 19 · p. 373

إِنْ هَٰذَا إِلَّا خُلُقُ الْأَوَّلِينَ137

Walang iba ito kundi kaugalian ng mga sinauna,
26:138Juz 19 · p. 373

وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِينَ138

at kami ay hindi mga pagdurusahin."
26:139Juz 19 · p. 373

فَكَذَّبُوهُ فَأَهْلَكْنَاهُمْ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُمْ مُؤْمِنِينَ139

Nagpasinungaling sila sa kanya kaya nagpahamak Kami sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
26:140Juz 19 · p. 373

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ140

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
26:141Juz 19 · p. 373

كَذَّبَتْ ثَمُودُ الْمُرْسَلِينَ141

Nagpasinungaling ang Thamūd sa mga isinugo
26:142Juz 19 · p. 373

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ صَالِحٌ أَلَا تَتَّقُونَ142

noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Ṣāliḥ: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
26:143Juz 19 · p. 373

إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ143

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.
26:144Juz 19 · p. 373

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ144

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
26:145Juz 19 · p. 373

وَمَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ الْعَالَمِينَ145

Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
26:146Juz 19 · p. 373

أَتُتْرَكُونَ فِي مَا هَاهُنَا آمِنِينَ146

Iiwan ba kayo sa anumang narito na mga natitiwasay
26:147Juz 19 · p. 373

فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ147

sa mga hardin at mga bukal,
26:148Juz 19 · p. 373

وَزُرُوعٍ وَنَخْلٍ طَلْعُهَا هَضِيمٌ148

at mga pananim at mga punong datiles na ang bunga ng mga ito ay malambot?
26:149Juz 19 · p. 373

وَتَنْحِتُونَ مِنَ الْجِبَالِ بُيُوتًا فَارِهِينَ149

Umuukit kayo, mula sa mga bundok, ng mga bahay, nang may kabihasaan.
26:150Juz 19 · p. 373

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ150

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
26:151Juz 19 · p. 373

وَلَا تُطِيعُوا أَمْرَ الْمُسْرِفِينَ151

Huwag kayong tumalima sa utos ng mga tagapagmalabis,
26:152Juz 19 · p. 373

الَّذِينَ يُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ وَلَا يُصْلِحُونَ152

na nanggugulo sa lupa at hindi nagsasaayos.
26:153Juz 19 · p. 373

قَالُوا إِنَّمَا أَنْتَ مِنَ الْمُسَحَّرِينَ153

Nagsabi sila: "Ikaw ay kabilang lamang sa mga pinaggagaway.
26:154Juz 19 · p. 373

مَا أَنْتَ إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُنَا فَأْتِ بِآيَةٍ إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ154

Walang iba ka kundi isang taong tulad namin kaya maglahad ng isang tanda kung ikaw ay kabilang sa mga tapat."
26:155Juz 19 · p. 373

قَالَ هَٰذِهِ نَاقَةٌ لَهَا شِرْبٌ وَلَكُمْ شِرْبُ يَوْمٍ مَعْلُومٍ155

Nagsabi siya: "Ito ay isang dumalagang kamelyo. Ukol dito ay pag-inom at ukol sa inyo ay pag-inom sa isang araw na nalalaman.
26:156Juz 19 · p. 373

وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابُ يَوْمٍ عَظِيمٍ156

Huwag kayong sumaling dito ng kasamaan dahil dadaklutin kayo ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan."
26:157Juz 19 · p. 373

فَعَقَرُوهَا فَأَصْبَحُوا نَادِمِينَ157

Ngunit kinatay nila ito kaya sila ay naging mga nagsisisi.
26:158Juz 19 · p. 373

فَأَخَذَهُمُ الْعَذَابُ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُمْ مُؤْمِنِينَ158

Kaya dinaklot sila ng pagdurusa. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
26:159Juz 19 · p. 373

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ159

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
26:160Juz 19 · p. 374

كَذَّبَتْ قَوْمُ لُوطٍ الْمُرْسَلِينَ160

Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga isinugo,
26:161Juz 19 · p. 374

إِذْ قَالَ لَهُمْ أَخُوهُمْ لُوطٌ أَلَا تَتَّقُونَ161

noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Lot: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
26:162Juz 19 · p. 374

إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ162

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.
26:163Juz 19 · p. 374

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ163

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
26:164Juz 19 · p. 374

وَمَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ الْعَالَمِينَ164

Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
26:165Juz 19 · p. 374

أَتَأْتُونَ الذُّكْرَانَ مِنَ الْعَالَمِينَ165

Pumupunta ba kayo sa mga lalaki ng mga nilalang
26:166Juz 19 · p. 374

وَتَذَرُونَ مَا خَلَقَ لَكُمْ رَبُّكُمْ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ ۚ بَلْ أَنْتُمْ قَوْمٌ عَادُونَ166

at hinahayaan ninyo ang nilikha para sa inyo ng Panginoon ninyo na mga asawa ninyo? Bagkus kayo ay mga taong lumalabag.
26:167Juz 19 · p. 374

قَالُوا لَئِنْ لَمْ تَنْتَهِ يَا لُوطُ لَتَكُونَنَّ مِنَ الْمُخْرَجِينَ167

Nagsabi sila: "Talagang kung hindi ka titigil, O Lot, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga palalayasin."
26:168Juz 19 · p. 374

قَالَ إِنِّي لِعَمَلِكُمْ مِنَ الْقَالِينَ168

Nagsabi siya: "Tunay na ako sa gawain ninyo ay kabilang sa mga nasusuklam.
26:169Juz 19 · p. 374

رَبِّ نَجِّنِي وَأَهْلِي مِمَّا يَعْمَلُونَ169

Panginoon ko, iligtas Mo ako at ang mag-anak ko dahil sa ginagawa nila."
26:170Juz 19 · p. 374

فَنَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ أَجْمَعِينَ170

Kaya iniligtas Namin siya at ang mag-anak niya nang magkakasama
26:171Juz 19 · p. 374

إِلَّا عَجُوزًا فِي الْغَابِرِينَ171

maliban sa isang matandang babae sa mga nagpapaiwan.
26:172Juz 19 · p. 374

ثُمَّ دَمَّرْنَا الْآخَرِينَ172

Pagkatapos ay winasak Namin ang mga iba pa.
26:173Juz 19 · p. 374

وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ مَطَرًا ۖ فَسَاءَ مَطَرُ الْمُنْذَرِينَ173

Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan at sumaklap ang ulan sa mga binalaan.
26:174Juz 19 · p. 374

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُمْ مُؤْمِنِينَ174

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
26:175Juz 19 · p. 374

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ175

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
26:176Juz 19 · p. 374

كَذَّبَ أَصْحَابُ الْأَيْكَةِ الْمُرْسَلِينَ176

Nagpasinungaling ang mga naninirahan sa kasukalan sa mga isinugo
26:177Juz 19 · p. 374

إِذْ قَالَ لَهُمْ شُعَيْبٌ أَلَا تَتَّقُونَ177

noong nagsabi sa kanila si Shu`ayb: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
26:178Juz 19 · p. 374

إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ178

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.
26:179Juz 19 · p. 374

فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ179

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
26:180Juz 19 · p. 374

وَمَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ الْعَالَمِينَ180

Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
26:181Juz 19 · p. 374

۞ أَوْفُوا الْكَيْلَ وَلَا تَكُونُوا مِنَ الْمُخْسِرِينَ181

Maglubus-lubos kayo sa pagtatakal at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagpalugi.
26:182Juz 19 · p. 374

وَزِنُوا بِالْقِسْطَاسِ الْمُسْتَقِيمِ182

Tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid.
26:183Juz 19 · p. 374

وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ أَشْيَاءَهُمْ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ183

Huwag kayong bumawas sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.
26:184Juz 19 · p. 375

وَاتَّقُوا الَّذِي خَلَقَكُمْ وَالْجِبِلَّةَ الْأَوَّلِينَ184

Mangilag kayong magkasala sa lumikha sa inyo at mga salinlahing nauna.
26:185Juz 19 · p. 375

قَالُوا إِنَّمَا أَنْتَ مِنَ الْمُسَحَّرِينَ185

Nagsabi sila: "Ikaw ay kabilang lamang sa mga pinaggagaway.
26:186Juz 19 · p. 375

وَمَا أَنْتَ إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُنَا وَإِنْ نَظُنُّكَ لَمِنَ الْكَاذِبِينَ186

Walang iba ka kundi isang taong tulad namin, at tunay na nagpapalagay kami na ikaw ay talagang kabilang sa mga sinungaling.
26:187Juz 19 · p. 375

فَأَسْقِطْ عَلَيْنَا كِسَفًا مِنَ السَّمَاءِ إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ187

Kaya magpabagsak ka sa amin ng tipak-tipak mula sa langit kung ikaw ay kabilang sa mga tapat."
26:188Juz 19 · p. 375

قَالَ رَبِّي أَعْلَمُ بِمَا تَعْمَلُونَ188

Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko ay higit nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo."
26:189Juz 19 · p. 375

فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمْ عَذَابُ يَوْمِ الظُّلَّةِ ۚ إِنَّهُ كَانَ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ189

Kaya nagpasinungaling sila sa kanya at dumaklot sa kanila ang pagdurusa sa araw ng maitim na ulap. Tunay na iyon ay naging pagdurusa ng isang araw ng sukdulan.
26:190Juz 19 · p. 375

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً ۖ وَمَا كَانَ أَكْثَرُهُمْ مُؤْمِنِينَ190

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
26:191Juz 19 · p. 375

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ191

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
26:192Juz 19 · p. 375

وَإِنَّهُ لَتَنْزِيلُ رَبِّ الْعَالَمِينَ192

Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang pagpapababa ng Panginoon ng mga nilalang.
26:193Juz 19 · p. 375

نَزَلَ بِهِ الرُّوحُ الْأَمِينُ193

Bumaba kasama nito ang Espiritu na Mapagkakatiwalaan
26:194Juz 19 · p. 375

عَلَىٰ قَلْبِكَ لِتَكُونَ مِنَ الْمُنْذِرِينَ194

sa puso mo upang ikaw ay maging kabilang sa mga tagababala
26:195Juz 19 · p. 375

بِلِسَانٍ عَرَبِيٍّ مُبِينٍ195

sa pamamagitan ng dilang Arabeng malinaw.
26:196Juz 19 · p. 375

وَإِنَّهُ لَفِي زُبُرِ الْأَوَّلِينَ196

Tunay na ito ay talagang nasa mga kalatas ng mga sinauna.
26:197Juz 19 · p. 375

أَوَلَمْ يَكُنْ لَهُمْ آيَةً أَنْ يَعْلَمَهُ عُلَمَاءُ بَنِي إِسْرَائِيلَ197

Hindi ba ito para sa kanila naging isang tanda na nakaaalam rito ang mga maalam sa mga anak ni Israel.
26:198Juz 19 · p. 375

وَلَوْ نَزَّلْنَاهُ عَلَىٰ بَعْضِ الْأَعْجَمِينَ198

Kung sakaling nagpababa Kami nito sa isa sa mga dayuhan
26:199Juz 19 · p. 375

فَقَرَأَهُ عَلَيْهِمْ مَا كَانُوا بِهِ مُؤْمِنِينَ199

at binigkas niyon ito sa kanila, hindi sila dahil dito magiging mga mananampalataya.
26:200Juz 19 · p. 375

كَذَٰلِكَ سَلَكْنَاهُ فِي قُلُوبِ الْمُجْرِمِينَ200

Gayon Kami nagpapasok nito sa mga puso ng mga salarin.
26:201Juz 19 · p. 375

لَا يُؤْمِنُونَ بِهِ حَتَّىٰ يَرَوُا الْعَذَابَ الْأَلِيمَ201

Hindi sila sumasampalataya rito hanggang sa makita nila ang pagdurusang masakit.
26:202Juz 19 · p. 375

فَيَأْتِيَهُمْ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ202

Kaya pupunta ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.
26:203Juz 19 · p. 375

فَيَقُولُوا هَلْ نَحْنُ مُنْظَرُونَ203

Kaya magsasabi sila: "Tayo ba ay mga ipagpapaliban?"
26:204Juz 19 · p. 375

أَفَبِعَذَابِنَا يَسْتَعْجِلُونَ204

Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila?
26:205Juz 19 · p. 375

أَفَرَأَيْتَ إِنْ مَتَّعْنَاهُمْ سِنِينَ205

Kaya nakita mo ba kung nagpatamasa Kami sa kanila nang ilang taon?
26:206Juz 19 · p. 375

ثُمَّ جَاءَهُمْ مَا كَانُوا يُوعَدُونَ206

Pagkatapos ay dumating sa kanila ang dating ipinangangako sa kanila.
26:207Juz 19 · p. 376

مَا أَغْنَىٰ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يُمَتَّعُونَ207

Ano ang naidulot para sa kanila ang anumang dating ipinatatamasa sa kanila?
26:208Juz 19 · p. 376

وَمَا أَهْلَكْنَا مِنْ قَرْيَةٍ إِلَّا لَهَا مُنْذِرُونَ208

Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang mayroon iyong mga tagababala
26:209Juz 19 · p. 376

ذِكْرَىٰ وَمَا كُنَّا ظَالِمِينَ209

bilang isang paalaala, at hindi Kami naging tagalabag sa katarungan.
26:210Juz 19 · p. 376

وَمَا تَنَزَّلَتْ بِهِ الشَّيَاطِينُ210

Hindi nagbabaan kasama rito ang mga demonyo.
26:211Juz 19 · p. 376

وَمَا يَنْبَغِي لَهُمْ وَمَا يَسْتَطِيعُونَ211

Hindi ito nararapat sa kanila at hindi sila nakakakaya.
26:212Juz 19 · p. 376

إِنَّهُمْ عَنِ السَّمْعِ لَمَعْزُولُونَ212

Tunay na sila sa pagdinig ay talagang mga ibinukod.
26:213Juz 19 · p. 376

فَلَا تَدْعُ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ فَتَكُونَ مِنَ الْمُعَذَّبِينَ213

Kaya huwag kang dumalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa para ikaw ay maging kabilang sa mga pagdurusahin.
26:214Juz 19 · p. 376

وَأَنْذِرْ عَشِيرَتَكَ الْأَقْرَبِينَ214

Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak.
26:215Juz 19 · p. 376

وَاخْفِضْ جَنَاحَكَ لِمَنِ اتَّبَعَكَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ215

Magbaba ka ng loob mo para sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya.
26:216Juz 19 · p. 376

فَإِنْ عَصَوْكَ فَقُلْ إِنِّي بَرِيءٌ مِمَّا تَعْمَلُونَ216

Ngunit kung sumuway sila sa iyo ay sabihin mo: "Tunay na ako ay walang-kinalaman sa anumang ginagawa ninyo."
26:217Juz 19 · p. 376

وَتَوَكَّلْ عَلَى الْعَزِيزِ الرَّحِيمِ217

Manalig ka sa Makapangyarihan, Maawain,
26:218Juz 19 · p. 376

الَّذِي يَرَاكَ حِينَ تَقُومُ218

na nakakikita sa iyo kapag bumangon ka
26:219Juz 19 · p. 376

وَتَقَلُّبَكَ فِي السَّاجِدِينَ219

at sa paggalaw mo kasama ng mga nagpapatirapa.
26:220Juz 19 · p. 376

إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ220

Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
26:221Juz 19 · p. 376

هَلْ أُنَبِّئُكُمْ عَلَىٰ مَنْ تَنَزَّلُ الشَّيَاطِينُ221

Magbabalita ba Ako sa inyo kung sa kanino nagbababaan ang mga demonyo?
26:222Juz 19 · p. 376

تَنَزَّلُ عَلَىٰ كُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٍ222

Nagbababaan sila sa bawat bulaang makasalanan.
26:223Juz 19 · p. 376

يُلْقُونَ السَّمْعَ وَأَكْثَرُهُمْ كَاذِبُونَ223

Nagpupukol sila ng napakinggan, at ang higit na marami sa kanila ay mga sinungaling.
26:224Juz 19 · p. 376

وَالشُّعَرَاءُ يَتَّبِعُهُمُ الْغَاوُونَ224

At ang mga manunula ay sumusunod sa kanila ang mga nalilisya.
26:225Juz 19 · p. 376

أَلَمْ تَرَ أَنَّهُمْ فِي كُلِّ وَادٍ يَهِيمُونَ225

Hindi mo ba nakita na sila sa bawat larangan ay tumatahak,
26:226Juz 19 · p. 376

وَأَنَّهُمْ يَقُولُونَ مَا لَا يَفْعَلُونَ226

at na sila ay nagsasabi ng hindi nila ginagawa,
26:227Juz 19 · p. 376

إِلَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَذَكَرُوا اللَّهَ كَثِيرًا وَانْتَصَرُوا مِنْ بَعْدِ مَا ظُلِمُوا ۗ وَسَيَعْلَمُ الَّذِينَ ظَلَمُوا أَيَّ مُنْقَلَبٍ يَنْقَلِبُونَ227

maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas, at naiadya matapos na labagin sila sa katarungan. Malalaman ng mga lumabag sa katarungan kung sa aling uwian uuwi sila.

I-play mula sa simula ng surah

Fares Abbad - Ash-Shu'ara · Tlawati