Surah 27 · Juz 19

An-Naml · 27:51

فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ مَكْرِهِمْ أَنَّا دَمَّرْنَاهُمْ وَقَوْمَهُمْ أَجْمَعِينَ

Kaya tingnan mo kung papaano naging ang kinahinatnan ng panlalansi nila, na Kami ay nagwasak sa kanila at sa mga tao nila nang magkakasama.

Tafsir

Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang kinauwian ng pagpapakana nila at panlalansi nila, na Kami ay pumuksa sa kanila sa pamamagitan ng isang pagdurusang mula sa ganang Amin kaya naman napahamak sila hanggang sa kahuli-hulihan nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah