[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mag-anak niya: "Tunay na ako ay nakatanaw ng apoy. Makapaghahatid ako sa inyo mula roon ng isang balita o makapaghahatid ako sa inyo ng ningas na pamparikit. Harinawa kayo ay makapagpapainit."
Ngunit noong dumating siya roon, tinawag siya: "Pinagpala ang sinumang nasa apoy at ang sinumang nasa paligid nito. Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang."
Pumukol ka ng patpat mo." Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya nang patakas at hindi bumalik [sa dinaanan]. [Sinabi]: "O Moises, huwag kang mangamba. Tunay na Ako ay hindi pinangangambahan, sa harap Ko, ng mga isinugo,
Ipasok mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang sakit. Iyapos mo sa iyo ang kamay mo laban sa sindak. [Ito ay] nasa siyam na tanda para kay Paraon at mga tao niya. Tunay na sila ay mga taong suwail."
Nagkaila sila sa mga ito samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila, dala ng paglabag sa katarungan at pagmamataas. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo.
Talaga ngang nagbigay Kami kina David at Solomon ng kaalaman, at nagsabi silang dalawa: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya."
Nagmana si Solomon kay David, at nagsabi: "O mga tao, tinuruan kami ng pagbigkas ng ibon at binigyan kami mula sa bawat bagay. Tunay na ito ay talagang ang kabutihang-loob na malinaw."
Hanggang sa nang nakapunta sila sa lambak ng mga langgam, may nagsabing isang langgam: "O mga langgam, pumasok kayo sa mga tirahan ninyo, hindi nga makadudurog sa inyo si Solomon at ang mga kawal niya habang sila ay hindi nakadarama."
Kaya ngumiti-ngiti si Solomon na natatawa sa sabi niyon. Nagsabi siya: "Panginoon ko, umudyok Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa ama ko at na gumawa ako ng maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin sa awa Mo sa mga lingkod Mong mga maayos."
Nakatagpo ako sa kanya at mga tao niya na nagpapatirapa sa araw bukod pa kay Allāh. Ipinaakit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila at bumalakid iyon sa landas kaya sila ay hindi napapatnubayan,
kaya hindi sila nagpapatirapa kay Allāh na nagpapalabas ng nakatago sa mga langit at lupa at nakaaalam sa anumang ikinukubli nila at anumang inihahayag nila.
Umalis ka kasama ng liham kong ito at ipukol mo ito sa kanila. Pagkatapos ay tumalikod ka sa kanila at tingnan mo kung ano ang [sagot na] ibabalik nila."
Nagsabi siya: "Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sila sa isang pamayanan, ay nanggugulo roon at gumagawa sa mga mahal sa mga naninirahan doon bilang mga hamak. Gayon ang ginagawa nila.
Kaya noong dumating sila kay Solomon ay nagsabi siya: "Nagkakaloob ba kayo sa akin ng yaman ngunit ang ibinigay sa akin ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo? Bagkus kayo sa regalo ninyo ay natutuwa.
Bumalik ka sa kanila sapagkat talagang pupunta nga kami sa kanila kasama ng mga kawal na walang lakas sa kanila laban sa mga ito at talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula roon bilang hamak habang sila ay mga minamaliit.
May nagsabing isang makapangyarihan kabilang sa mga jinn: "Ako ay maghahatid sa iyo niyon bago ka makatayo mula sa pinanatilihan mo. Tunay na ako roon ay talagang malakas na mapagkakatiwalaan."
Nagsabi ang may taglay na kaalaman mula sa kasulatan: "Ako ay maghahatid sa iyo niyon bago makabalik sa iyo ang pagkurap mo." Noong nakita niya iyon na nakalapag sa piling niya ay nagsabi siya: "Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ng Panginoon ko upang sulitin Niya ako kung magpapasalamat ba ako o tatanggi akong magpasalamat. Ang sinumang nagpasalamat ay nagpasalamat lamang para sa sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan, Mapagbigay."
Nagsabi siya: "Magpabalatkayo kayo para sa kanya ng trono niya, titingnan natin kung napapatnubayan ba siya o siya ay kabilang sa mga hindi napapatnubayan."
Kaya noong dumating siya ay sinabi: "Ganito ba ang trono mo?" Nagsabi siya: "Para bang ito ay iyon." [Nagsabi si Solomon]: "Binigyan kami ng kaalaman bago niya at kami ay dati na kaming mga tagapagpasakop."
Sinabi sa kanya: "Pumasok ka sa palasyo." Kaya noong nakita niya ito, nag-akala siyang ito ay isang lawa at naglantad siya ng mga lulod niya. Nagsabi [si Solomon]: "Tunay na ito ay isang palasyong pinakintaban ng inilatag na mga salamin. Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko. Nagpasakop ako kasama kay Solomon kay Allāh ang Panginoon ng mga nilalang."
Talaga ngang nagsugo Kami sa Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh," at biglang sila ay dalawang pangkat na nag-aalitan.
Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, bakit kayo nagmamadali sa masagwa bago ng maganda? Bakit nga ba hindi kayo humihingi ng tawad kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan?"
Nagsabi sila: "Nagmasamang-pangitain kami sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo." Nagsabi siya: "Ang masamang pangitain ninyo ay nasa ganang kay Allāh, bagkus kayo ay mga taong tinutukso."
Nagsabi sila: "Magsumpaan kayo kay Allāh na talagang papatay nga tayo sa gabi sa kanya at sa mag-anak niya, pagkatapos ay talagang magsasabi nga tayo sa katangkilik niya: "Hindi kami nakasaksi sa nagpahamak sa mag-anak niya. Tunay na kami ay talagang mga tapat."
Kaya ang mga iyon ay ang mga bahay nila, hungkag dahil sa lumabag sila sa katarungan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
Walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Palabasin ninyo ang mag-anak ni Lot mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakalinis."
Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh at kapayapaan ay sa mga lingkod Niyang hinirang Niya. Si Allāh ba ay higit na mabuti o ang anumang itinatambal ninyo?
O ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa para sa inyo mula sa langit ng tubig kaya nagpatubo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may rikit na hindi nangyaring ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga puno ng mga iyon ay isang diyos bang kasama kay Allāh? Bagkus sila ay mga taong may ipinapantay [sa Kanya].
O ang naglagay ba sa lupa ng isang pamamalagian, naglalagay sa gitna nito ng mga ilog, naglagay para rito ng mga matatag na bundok, at naglagay sa pagitan ng dalawang dagat ng isang harang ay isang diyos bang kasama kay Allāh? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
O ang tumutugon ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan, at gumagawa sa inyo na mga kahalili sa lupa ay isang diyos bang kasama kay Allāh? Madalang kayong nag-aalaala.
O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, at ang nagsusugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak sa harap ng awa Niya ay isang diyos bang kasama kay Allāh? Pagkataas-taas si Allāh sa anumang itinatambal nila.
O ang nagpapasimula sa paglikha pagkatapos ay nag-uulit nito at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa ay isang diyos ba na kasama ni Allāh?" Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat."
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Kapag kami ay naging alabok at [gayon din] ang mga magulang namin, tunay na kami ba ay talagang mga palalabasin [sa mga libingan]?
Ikaw ay hindi tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa kaligawan nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop.
Kapag naganap ang sabi sa kanila, magpapalabas Kami para sa kanila ng isang hayop mula sa lupa na kakausap sa kanila, na ang mga tao noon sa mga tanda Namin ay hindi nakatitiyak.
[Banggitin] ang araw na magtitipon Kami mula sa bawat kalipunan ng isang pulutong kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin at sila ay hinahanay.
Hanggang sa nang dumating sila ay magsasabi Siya: "Nagpasinungaling ba kayo sa mga tanda Ko habang hindi kayo nakasaklaw sa mga ito sa kaalaman, o ano ang dati ninyong ginagawa?"
Hindi ba nila nakita na Kami ay gumawa sa gabi upang matiwasay sila roon at sa maghapon upang makakita? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.
[Banggitin] ang Araw na iihip sa tambuli kaya manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang niloob ni Allāh. Lahat ay pupunta sa Kanya na mga nagpapakaaba.
Nakikita mo ang mga bundok, na inaakala mong ang mga ito ay nakatigil habang ang mga ito ay daraan gaya ng pagdaan ng mga ulap, bilang pagkayari ni Allāh na nagpahusay sa bawat bagay. Tunay na Siya ay Nakababatid sa anumang ginagawa ninyo.
Ang sinumang magdala ng masagwang gawa, isusubsob ang mga mukha nila sa Apoy. [Sasabihin:] "Hindi kayo gagantihan maliban ng anumang dati ninyong ginagawa."
[Sabihin mo]: "Napag-utusan lamang ako na sambahin ko ang Panginoon ng bayang ito, na nagpabanal dito at sa Kanya ang bawat bagay. Napag-utusan ako na ako ay maging kabilang sa mga tagapagpasakop,
at na bigkasin ko ang Qur’ān." Kaya ang sinumang napatnubayan ay napapatnubayan lamang para sa sarili niya. Ang sinumang naligaw ay sabihin mo: "Ako ay kabilang sa mga tagapagbabala lamang."
Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh. Magpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya, at makakikilala kayo sa mga ito. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo."