Surah 71 · Juz 29
Nuh · 71:28
رَبِّ اغْفِرْ لِي وَلِوَالِدَيَّ وَلِمَنْ دَخَلَ بَيْتِيَ مُؤْمِنًا وَلِلْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ وَلَا تَزِدِ الظَّالِمِينَ إِلَّا تَبَارًا
Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, sa sinumang pumasok sa bahay ko na isang mananampalataya, sa mga lalaking mananampalataya, at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi pagkapahamak."
Tafsir
Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko, magpatawad Ka sa mga magulang ko, magpatawad Ka sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, at magpatawad Ka sa mga lalaking mananampalataya at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kundi ng isang kapahamakan at isang kalugihan."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah