Surah 71 · Juz 29
Nuh · 71:27
إِنَّكَ إِنْ تَذَرْهُمْ يُضِلُّوا عِبَادَكَ وَلَا يَلِدُوا إِلَّا فَاجِرًا كَفَّارًا
Tunay na kung mag-iiwan Ka sa kanila, magpapaligaw sila sa mga lingkod Mo at hindi sila magkakaanak kundi masamang-loob na palatangging sumampalataya.
Tafsir
Tunay na kung mag-iiwan Ka sa kanila, O Panginoon, at mag-aantabay Ka sa kanila, magliligaw sila sa mga lingkod Mong mga mananampalataya at hindi sila magkakaanak kundi ng isang may kasamaang-loob na hindi tatalima sa Iyo at matindi sa kawalang-pananampalataya na hindi magpapasalamat sa Iyo sa mga biyaya Mo.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah