Surah 72 · Juz 29
Al-Jinn · 72:1
قُلْ أُوحِيَ إِلَيَّ أَنَّهُ اسْتَمَعَ نَفَرٌ مِنَ الْجِنِّ فَقَالُوا إِنَّا سَمِعْنَا قُرْآنًا عَجَبًا
Sabihin mo: "Ikinasi sa akin na may nakinig na isang pangkat ng jinn at nagsabi sila: 'Tunay na kami ay nakarinig ng isang pagbigkas na kahanga-hanga.
Tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa kalipunan mo: "Nagkasi si Allāh sa akin na may nakinig sa pagbigkas ko ng Qur'ān na isang pangkat ng jinn sa loob [ng kakahuyan] ng datiles, kaya noong bumalik sila sa mga kalipi nila ay nagsabi sila sa mga iyon: 'Tunay na kami ay nakarinig ng isang pananalitang binibigkas na nagpapahanga sa paglilinaw nito at katatasan nito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah