Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:83
فَأَنْجَيْنَاهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ
Kaya iniligtas Namin siya at ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya; ito ay kabilang sa mga nagpaiwan.
Tafsir
Kaya nagbigay-kaligtasan Kami sa kanya at sa mag-anak niya yayamang nag-utos Kami sa kanila ng paglabas sa gabi mula sa pamayanang babagsakan ng parusa, maliban sa maybahay niya; ito ay naging kabilang sa mga nanatili kasama sa mga kalipi niya, kaya tumama sa kanya ang tumama sa kanila na pagdurusa.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah