Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:84
وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ مَطَرًا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُجْرِمِينَ
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan kaya tingnan mo kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga salarin.
Tafsir
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang mabigat na ulan yayamang pumukol Kami sa kanila ng mga batong yari sa putik. Binaliktad Namin ang pamayanan saka ginawa Namin ang mataas nito na mababa nito. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga kababayan ni Lot na mga salarin. Ang kinahinatnan nila ay ang kapahamakan at ang kahihiyang namamalagi.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah