Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:82

وَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَنْ قَالُوا أَخْرِجُوهُمْ مِنْ قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌ يَتَطَهَّرُونَ

Walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Palabasin ninyo sila mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakalinis."

Tafsir

Walang iba ang tugon ng mga kababayan niyang tagagawa ng malaswang gawaing ito tungkol sa minasama niya sa kanila kundi na nagsabi sila habang mga tumututol sa katotohanan: "Palabasin ninyo si Lot at ang mag-anak niya mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapawalang-ugnayan sa gawain nating ito, kaya hindi naaangkop sa atin na manatili sila sa gitna natin."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah