Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:81
إِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الرِّجَالَ شَهْوَةً مِنْ دُونِ النِّسَاءِ ۚ بَلْ أَنْتُمْ قَوْمٌ مُسْرِفُونَ
Tunay na kayo ay talagang pumupunta sa mga lalaki dahil sa pagnanasa bukod pa sa mga babae, bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis.
Tafsir
Tunay na kayo ay talagang pumupunta sa mga lalaki para sa pagtugon sa pagnanasa, bukod pa sa mga babae na nilikha para sa pagtugon nito. Hindi kayo sumunod sa gawain ninyong ito sa isip ni sa ipinarating [na katuruan] ni sa kalikasan ng pagkalalang, bagkus kayo ay mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa paglabas ninyo sa hangganan ng pagtitimping pantao at pagkalihis ninyo sa hinihiling ng mga matinong isip at marangal na kalikasan ng pagkalalang.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah