Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:27

يَا بَنِي آدَمَ لَا يَفْتِنَنَّكُمُ الشَّيْطَانُ كَمَا أَخْرَجَ أَبَوَيْكُمْ مِنَ الْجَنَّةِ يَنْزِعُ عَنْهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوْآتِهِمَا ۗ إِنَّهُ يَرَاكُمْ هُوَ وَقَبِيلُهُ مِنْ حَيْثُ لَا تَرَوْنَهُمْ ۗ إِنَّا جَعَلْنَا الشَّيَاطِينَ أَوْلِيَاءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ

O mga anak ni Adan, huwag nga kayong patutukso sa demonyo yayamang napalabas niya ang [unang] mga magulang ninyo mula sa Paraiso. Inalis niya sa kanilang dalawa ang kasuutan nilang dalawa upang ipakita sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Tunay na siya ay nakakikita sa inyo, siya sampu ng mga kampon niya, mula sa kung saan hindi ninyo sila nakikita. Tunay na ginawa Namin ang mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya."

Tafsir

O mga anak ni Adan, huwag ngang manlinlang sa inyo ang demonyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagsuway sa pamamagitan ng pag-iwan sa kasuutang pisikal para sa pagtatakip sa kahubaran o pag-iwan sa kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, sapagkat nakadaya nga siya sa mga [unang] magulang ninyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagkain mula sa [bawal na] punong-kahoy hanggang sa ang kinauwian niyon ay na nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa Paraiso at tumambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Tunay na ang demonyo at ang mga inapo niya ay nakakikita sa inyo at nakasasaksi sa inyo samantalang kayo ay hindi nakakikita sa kanila at hindi nakasasaksi sa kanila kaya kinakailangan sa inyo ang pag-iingat laban sa kanya at laban sa mga inapo niya. Tunay na Siya ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh. Tungkol naman sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga gawang maayos, walang daan sa mga iyon laban sa mga ito."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah